^

Pang Movies

Donita Nose, magdo-donate ng plasma!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Donita Nose, magdo-donate ng plasma!
Donita Nose

Tinalo ng komedyanteng si Donita Nose ang COVID-19. Naka-recover na siya at malapit nang makauwi.

“Thank God for everything! I love you!

“And thank you to all frontliners...alam ko ang hirap at sakripisyo ninyo. Ingatan niyo po ang mga sarili ninyo.

“Saludo ako sa inyong lahat. Salamat sa pag-aalaga sa aming lahat.

“I love you all. God bless us all,” saad ni Donita sa kanyang Instagram post.

Sa paglabas niya, plano niyang mag-donate ng plasma at gagawa ng isang online show para magbigay-tribute sa frontliners.

Samantala ang isa pang patient ng COVID-19 na si Michael V. ay naka-recover na rin. Ibinalita ni Bitoy na pagkatapos ng quarantine niya, nagkaroon ng fever at diarrhea ang isa niyang anak na symptoms ng virus.

“Sa awa ng Diyos, after three days ay nawala na ‘yung symptoms niya, sana stomach flu lang ‘yung na-experience niya pero para safe nag-isolate siya at nagpa-test,” pahayag ni Michael V.

Sa isang banda, sa fresh episode ng Magpakailanman bukas, isang tribute sa lahat ng Pamilyang Pinoy at frontliners sa buong mundo na naapektuhan ng COVID ang mapapanood sa Walang Iwanan: The Layug Family Story.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with