Aktres na nagbigay ng ayuda, minura-mura ang photographer sa maling anggulo
BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

Sino ba itong aktres na minura ang photographer noong magbigay ng ayuda sa isang mataong lugar? Shocked ang mga tagahangang binibigyan ng ayuda dahil mali pala ang anggulo ng face niya noong kinuhanan siya ng photographer, kaya paulit-ulit ang pitik ng kamera, kaya namura niya.

Wow, conscious pa ang bruha gayung sardinas, noodles, kape at sugar lang ang pinamigay niya.

Naku, ayaw ni Lord ng ganyan baka ma-COVID ka sa ugali mo, teh.

Mayor Isko, tinupad ang pangako kay Kuya Germs

Masaya si Mayor Isko Moreno na natupad na ang pangako niya sa kanyang tatay-tatayang si the late Kuya Germs Moreno na pagpapaayos ng Metropolitan Theater sa Lawton. Si Kuya Germs ang unang nagpaayos ng mga upuan ng MET.

Bilang pagmamahal, itinuloy ni Mayor Isko ang pagpapaayos, katuwang si Ms. Alice Eduardo. Thank you po, Mayor Isko, sa pagmamalasakit sa unang tanghalan ng mga sikat.

Azenith at Julia, hindi nag-iingay

Isa si Azenith Briones sa nag-ambag para maipaospital si John Regala. Nagkasama kasi sila noon sa movie. Isang relihiyosang aktres si Azenith kaya’t matulungin ito.

Samantala, si Julia Montes ay palihim ding tumutulong sa pagbibigay ng ayuda sa mga taga-Caloocan City. Tahimik lang si Julia at walang publicity.

Na mas tama naman kesa sa mga tumutulong pero ibinabandera naman.

Pamimigay ng ayuda, hindi pantay

Sa Baliuag, Bulacan ay may mga hindi pa rin nabibigyan ng second ayuda.

Gutom talaga ang inaabot ng mga tao sa pagsalakay ng devil spirit na ito.

Sana pantay-pantay na mabigyan ang mga mamamayan dahil pare-pareho silang nagugutom at naghihirap.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with