Sen. Bong, mag-isang ginagamot ang sarili
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

Matapos umaming COVID-19 positive last Sunday, kahapon ng umaga ay humarap sa camera si Sen. Bong Revilla sa kanyang Facebook live session para magbigay ng update sa kanyang kondisyon.

Bagamat medyo madilim ang video, makikitang medyo hirap ding huminga si Sen. although nakakapagsalita naman siya nang mahahaba pero panaka-naka ay umuubo siya.

Mag-isang naka-isolate si Sen. Bong sa isang room at aniya, bagamat napakahirap ng kanyang kondisyon ay lalaban daw siya.

Ibinahagi niya ang nararamdaman na giniginaw siya, nilalagnat at masakit daw kapag hinahawakan niya ang kanyang ulo. Kapag inuubo raw siya ay masakit din sa ulo.

Ikinuwento ni Sen. Bong ang unang sintomas na naramdaman niya na namumula raw ang kanyang mga mata’t inakala pa nilang sore eyes. Pina-check pa raw niya sa ophthalmologist ang kanyang mga mata at sinabi nga raw sa kanya na posibleng COVID-19 iyon.

Hindi pa nga raw siya naniwala dahil feeling niya ay sore eyes o allergy lang sa mata ang sakit niya. Gayunpaman ay nag-isolate na raw siya agad at nagpa-swab test.

Nauna nang ibinalita ni Sen. Bong sa Facebook negative naman ang misis niyang si Lani Mercado at mga anak niya. Pero may isa siyang tauhan na nag-positive rin.

Sa ngayon ay nagte-take raw siya ng antibiotic at Vitamin C. “Hirap pala nito, walang makatulong sa ‘yo, bagsak ka. Pero ganunpaman, eto, lalaban po ako. COVID lang ito, kailangang labanan natin ‘to,” aniya.

Aniya ay hindi niya pwedeng asahan ang kanyang pamilya ngayon dahil siyempre ay iniiwasan niyang mahawaan ang mga ito. Kaya mag-isa lang niya talagang gagamutin at aalagaan ang sarili.

Nabanggit nga rin ni Sen. Bong na katatapos lang ng isang matinding dagok sa buhay niya nang mamatay ang kanyang amang si Sen. Ramon Revilla Sr. at ngayon ay may kasunod na namang panibagong pagsubok. “Pero sabi nga, eh, if it’s your time, it’s your time. Pag tinawag ka na ng Panginoon, time to go, you go. So, I prayed last night, bago ako matulog. Sabi ko nga, ‘Lord, total surrender ako sa iyo, ever since. Kayo na po ang bahala sa akin. Alam kong hindi Ninyo ako pababayaan,’” pahayag ng aktor/pulitiko.

Nagpasalamat din si Sen. Bong sa lahat ng nagdadasal para sa kanya at aniya ay kailangan pa raw niya ng maraming prayers.

“Dasal, I need prayers sa inyong lahat po. Mga kababayan, ipagdasal n’yo na lang po ako at ang aking pamilya,” aniya.

Isa kami sa nananalangin na sana ay malampasan ni Sen. Bong ang pagsubok na ito. Laban lang, Sen!

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with