Marian, wala nang mahihiling sa birthday
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

Bukas, Agosto 12, ay birthday ng GMA Primetime Queen Marian Rivera. Quarantine birthday na ngayon lamang niya naranasan sa buong buhay niya.

Ang kakaiba kay Yan, hindi siya ‘yung tipo ng sikat na artistang gumagastos nang todo para sa kanyang kaarawan kahit kaya naman niya.

Of course, sini-celebrate niya ang kaarawan kasama ang pamilya at malalapit na mga kaibigan. Madalas din siyang nagbibigay ng tulong sa mga organisasyong tinutulungan niya.

Nitong quarantine, kahit walang trabaho sa showbiz, patuloy pa rin siyang pinagkakatiwalaan ng mga endorsement niya kahit sa social media account lang niya ito pino-post.

Of course, wala nang mahihiling pa si Marian. Kumpleto na ang pamilya at komportable na sila.

Pero siyempre, hindi palalampasin ng asawa niyang si Dingdong (Dantes) na maging memorable ang kaarawan ng asawa, huh!

Abangan na lang natin ang panggulat ni Dong kay Yan Yan!

Happy, happy birthday, Yan! (Happy birthday Yan. - Salve)

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with