John sumisigla ‘pag nakakausap ang dating asawa!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

Bilang pag-iingat sa laganap na coronavirus (COVID-19), isa lamang ang allowed na magbantay sa non-covid patients tulad ng actor na si John Regala na naka-confine ngayon sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) simula nu’ng Martes ng gabi, August 4.  Hindi rin allowed ang visitors.

Maraming sakit ang iniinda ngayon ni John at kasama na rito ang kanyang sakit sa kidney, puso, gout at pagiging diabetic.  Pero magmula nang ito’y ma-confine sa pagamutan ay malaki na ang improvement sa kanyang hitsura ngayon at nagkaroon na rin ng sigla at kulay ang kanyang mukha unlike noong bago pa siya ma-confine sa NKTI.

Minsan na ring na-stroke si John at ito ang dahilan kung bakit slur ang kanyang pagsasalita.

Restless si John, makulit at gusto nang lumabas ng pagamutan kahit hindi pa siya lubusang magaling. 

Nakakatulong namang ma-pacify ang actor kapag tinatawagan siya ng kanyang unang wife na si Au Manalang-Hunt na naka-base sa Mesa, Arizona, USA with her American husband na si Stephen Hunt.

Ang 25-year-old biological son ni John na si John Paul Khieffer ay hindi pa rin nito nakakausap hanggang ngayon.

Nag-iiba ang aura ni John kapag bini-video call siya ni Au na napaka-supportive sa dating asawa kahit mahigit 20 taon na silang hiwalay at may asawa na siya ngayong Amerikano although wala silang anak.

Nagpapadala rin si Au ng pinansyal na tulong kay John at nagpapasalamat din siya sa lahat ng mga taong nagpadala ng tulong at patuloy na tumutulong sa kanyang dating mister.

“I still consider John a family,” pahayag ni Au. “No matter what happens, he is still the father of my son (Kieffer),” dugtong nito.

Ginagawan na rin ng paaran ni Au at ng kanyang American husband na si Stephen na makumbinse si Kieffer na makipag-communicate sa kanyang ama lalo na ngayon na ito’y may sakit.

Walang good memories si Kieffer sa kanyang ama dahil bata pa siya nang magkahiwalay ang kanyang parents. Sa Amerika na rin siya lumaki at wala silang naging komunikasyon sa kanyang ama since then.

Pero isa kami sa naniniwala na hindi rin matitiis ni Kieffer ang kanyang biological father na si John.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with