Mayor Lani, nagpapalakas
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

Ang post ni Bacoor City Mayor Lani Mercado kung saan na-share ang hirap na pinagdadaanan niya bilang asawa ni Sen. Bong Revilla na positive ng COVID-19. Post ni Lani: “Paano mo naipapakita ang pag-aasikaso at pag-aalaga sa iyong asawa na positive sa COVID-19? Hindi mo masamahan. Hindi mo ma­yakap. Hindi mo mahagkan dahil sa kailangang mag-14 day isolation muli. Sabay nito’y hindi nakakaligtaan ng inyong lingkod ang mga responsibilidad bilang Ina ng Lungsod at bilang ina ng aking mga anak.  Isama ninyo po sana sa inyong panalangin ang paggaling ni Sen. Bong Revilla at lahat ng may COVID-19. No one is spared, may katungkulan man sa bansa o wala. Patuloy akong magiging malakas at malusog para sa ating pamilya at bayan, Papa. Palakas ka.”

Jennylyn, sinugod nina Keanna at Ethel

Hinihintay ng netizens ang sagot ni Jennylyn Mercado sa message sa kanya ni Keanna Reeves na sinegundahan ni Ethel Booba dahil sa isyung pagtatanong ng Kapuso aktres kung naglabas na ng breakdown ang Duterte government sa trillion na inutang ng bansa natin. Parang pinagtulungan si Jennylyn nina Ethel at Keanna.

Sagot ni Keanna kay Jennylyn, kahit maglabas ng breakdown ang gobyerno, sigurado siyang hindi maiintindihan ni Jennylyn. Sabi pa ni Keanna, okay lang kung magsalita ang mga artista, dahil freedom nila ito. Siguraduhin lang tama dahil mahirap daw magpanggap na matalino. “Malalaking company nga, may sariling accountant. Ikaw, panigurado may accountant ka rin. Mahirap ‘yan, ate. Ikaw, magaling umarte; kasi linya mo ‘yan. “Yang mga ganyang usapin, linya din ng gobyerno. TRANSPARENCY. Yes! Pero ang tanong, maiintindihan mo ba? Hindi naman pwedeng maghahanap ka lang pero hindi mo maintindihan. Tapos itatanong mo sa expert. So what’s the POINT? Kaya tinatawag ang mga artista na mga BOPOLS dahil din kasi sa mga post n’yo eh.”

Hirit naman ni Ethel na kahit walang binanggit na pangalan, obvious na isa si Jennylyn sa pinatamaan. “Ganito na lang teh kung problema n’yo inutang ‘wag na muna siya umalis sa pwesto hangga’t ‘di bayad. O payag kayo? Happy?” na ang tinutukoy na ‘wag munang paalisin sa pwesto ay si President Rodrigo Duterte.

Sharon, napagkamalang pintor

May mga nag-akala palang si Sharon Cuneta mismo ang nag-paint kay Ma­rian Rivera sa painting na parang birthday gift ni Sharon sa Kapuso actress na 36th birthday bukas, August 12. Marami ang nagulat dahil hindi raw nila akalain na marunong mag-paint si Sharon at maganda ang kinalabasan.

It turned out na si Jun ng Jun’s Artwork ang nag-paint kay Marian, binili ni Sharon for P10,000 at  iniregalo nga kay Marian. Na-paint na rin ni Mr. Jun si Sharon at binili ni Mega ang gawa nitong painting sa kanya for P15,000.  

LANI MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with