Rhian iniwan na ng BF na Israeli
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 10, 2020 - 12:00am

Hiwalay muna si Kapuso actress Rhian Ramos sa kanyang Israeli boyfriend na si Amit Borsak, matapos itong bumalik sa Israel, nang pinayagan nang umuwi sa kani-kanilang bansa ang foreigners na inabutan ng lockdown dito sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic. 

Matagal nang nasa Israel si Amit, kaya nasorpresa si Rhian nang makatanggap siya ng napakalaking bouquet of flowers mula sa boyfriend, na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

Naiwan dito si Rhian at nakatira siya ngayon with her mom sa kanyang childhood home. Kaya sinagot naman ni Rhian sa kanyang IG ang ipinadalang flowers ni Amit ng: “we miss you  ‘haim shell, I wuv you.” 

Ang ‘haim shell’ ay common term of endearment in Hebrew language na isa sa mga languages na ginagamit ni Amit since taga-Israel nga siya.  Ang literal translation nito is ‘my life,’ or ‘my soul.’

Ayon pa kay Rhian, nag-improve raw ang communications nila ng boyfriend after nilang magkasama sa early days ng quarantine. 

Sa ngayon, naghihintay pa si Rhian na mag-resume ang taping nila ng Love of my Life, with Carla Abellana at Mikael Daez, nililibang muna niya ang sarili sa vlogging, trying arts and crafts at cooking, kaya naigi-guest siya ngayon sa fresh episodes ng cooking shows ng GMA Network, tulad ng Taste Buddies at Chef Boy Logro.

RHIAN RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with