Sharon may emote sa mga anak
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 10, 2020 - 12:00am

Tila dumadaan sa matinding kalungkutan si Sharon Cuneta nang mag-senti (sentimental) post siya sa kanyang Instagram account last Saturday.

Tungkol sa kanyang mga sakripisyo bilang ina ang nilalaman ng kanyang post at aniya ay kinalimutan niya ang sariling pangarap for the sake of her children.

“I’m 54. How much longer do I have to live? Everything I ever did, every sacrifice, every decision I ever made, was for my children. I’m far from perfect, but I tried.

“I forgot for a minute that they grow up, they have their own minds, they leave. I forgot ME. I let go of my own dreams. No more time or energy to fulfill them.

“Got the dream of having a family. I don’t real­ly care about what other people will think or say anymore. Just my children. They are all that matter,” pahayag ni Sharon.

Sa huli ay sinabi ni Megastar ang kanyang panalangin at ito ay sana raw, masabi rin ng kanyang mga anak sa kanya na isipin naman ang kanyang sarili.

“But sometimes I wonder if my children will one day say to me, “Mama, it’s time to think of YOURSELF. What do YOU really want? What will REALLY make you HAPPY? We may not agree with it or like it but we will respect and love you with all our hearts forever anyway.” That is a prayer. Now,” she concluded.

Sa art card na ipinost ni Sharon ay nakasaad naman ang isang quotation na ganito ang nilalaman:

“My hope is that they will remember mommy tried. Even when she was tired, even when she was stressed. I hope they will know that I did it all for them. That I have every intention of being great, good, and grand, but some days all I could be was okay.”

Heart ayaw ng power

Marami ang humahanga sa Kapuso actress na si Heart Evangelista katuwang ang kanyang team sa patuloy na pamamahagi ng tulong sa probinsya ng Sorsogon kung saan governor ang asawa niyang si Chiz Escudero.

Bukod diyan ay active rin si Heart sa pagpo-promote ng iba’t ibang local products ng Sorsogon.

Kaya naman may mga netizen na nagtatanong sa aktres kung may balak daw ba siyang pasukin ang pulitika. Simple at diretso ang sagot ni Heart. Aniya, “politics is not for me. I can help without that kind of power.”

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with