Bunso ni Ruffa ginagamit sa pamemeke!
Venice
Bunso ni Ruffa ginagamit sa pamemeke!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - August 10, 2020 - 12:00am

Ang reklamo ng bunso ni Ruffa Gutierrez na si Venice tungkol sa Facebook account na nagkukunwaring siya at ginagamit ang pictures niya.

Nilinaw ni Venice na wala siyang FB account.

Ang i-report sa FB ang fake page na ‘yon ang pakiusap ni Venice sa kanyang Instagram account followers.

Naku, for sure, kahit naman ikaw, Ateng Salve, maiirita kapag kinukuha sa IG account mo ang pictures mo at gagamitin ‘yon sa fake FB account, ‘noh?!

 ‘Kakaloka rin kasi ang ibang mga mapagpanggap, huh! Hindi nga ba si Pokwang ay nairita sa isang nagpapanggap din na siya sa FB?!

Mas nakakaloka ‘yon dahil pinagkakakitaan ng taong ‘yon ang pagkukunwaring siya si Pokwang at panggagamit sa pictures at videos ng komedyana lalo na ng anak na si Malia.

Naalala ko tuloy noon na may fake Jun Lalin FB account din at ang daming reporter-friends ng account na ‘yon at pinalabas pa niya that time na lilipat sa GMA 7 ang ABS-CBN star na si Nikki Gil at makakapareha raw that time ni Richard Gutierrez sa isang Kapuso show.

Maraming na-“Wow, Mali!” ang fake FB account na ‘yon dahil may ilang reporters na pumatol at isinulat ang tungkol doon. ‘Kaloka!

Alfred ang laki nang ipinayat

Malaki na ang ipinayat ng actor/politician na si Alfred Vargas. Diet and exercise ang dahilan ng pagpayat ni Quezon City 5thDistrict Representative Alfred.

Pero may cheat day rin si Alfred, every Sunday.

Ang misis niya na si Yasmine ang nilalambing ni Alfred na magluto ng mga pagkaing kine-crave niya kapag cheat day niya.

Magaling mag-bake ng tinapay si Yasmine, kaya ginawan niya ng dinner rolls ang mister, plus nag-request din daw sa kanya si Alfred ng lasagna.

Fans ni Alden masipag mag-social media

Ang press launch ni Alden Richards bilang new endorser ng Cosmo Cee vitamin c.

Siyempre, via a new internet app na lang ‘yon dahil ‘yon naman ang uso ngayon.

Habang wala pang vaccine, imposibleng magkaroon uli ng face-to-face presscons.

Naku, kaya dapat si Manay Lolit Solis, matuto na talagang mag-join sa online presscons, huh!

Ayon nga pala kina Niño Bautista at Red Gatus ng big bosses ng BARGN na maker ng Cosmo Cee, natutuwa sila sa mga fan ni Alden.

Ang sipag daw kasi ng Aldenatics sa pagse-share ng advertising materials ng Cosmo Cee.

 Kalalabas pa lang ng digital poster ni Alden para sa Cosmo Cee, pero sobrang identified na kaagad ng aktor sa nasabing vitamin c brand. Ang bongga. ‘Yun na!

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with