Robi, pakakasalan na si Maiqui
Robi at Maiqui
Robi, pakakasalan na si Maiqui
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - August 10, 2020 - 12:00am

It is possible daw, anang TV host/VJ, and occasional actor as well, si Robi Domingo, na ang girlfriend niya of two years na si Maiqui Pineda ang pakakasalan niya.

Ang tagal din nilang nagkarelasyon ng fellow Atenean niya, na ngayon ay TV host na rin, na si Gretchen Ho, yes, five years.

Pero, kasabihan nga, if it’s not meant to be, it will not happen.

Jinggoy, sa sariling farm kinukuha ang mga inaayudang isda

Straight pala from his mom’s fish farm in Iba, Zambales ang ipinamumudmod ni former Senator Jinggoy Estrada sa kanyang mga kababayan sa San Juan City na bangus.

Senator Jinggoy’s mom, of course, is former senator Loi Ejercito. No need to mention kung sino ang father ni Senator Jinggoy.

Maraming sikat, August ang birthday

Wow, Salve A., August appears to be the birth month of several of our stars.

Nag-buena mano si Cesar Montano, whose birthday is August 1.

Sinundan siya ni Dingdong Dantes, who turned 40, August 2.

Magka-birthday sina Aga Muhlach at Marian Rivera, August 12. Aga will turn 51, si Marian naman, 36.

The late Fernando Poe Jr., yes the King of Philippine movies, hanggang ngayon, would have turned 81, August 20. August 22 naman ang kaarawan ni Philip Salvador. Magkasabay din ang birthday nina Pokwang and the late Amalia Fuentes, August 27.

Pokwang will turn 44 on that date, while Amalia, who died October 5 last year, would have turned 80.

Edgar Mortiz, former actor, now producer and director, marks his birthday August 30.

Mother Lily Monteverde’s birthday is August 19.

Yes, ka-birthday niya si dating Presidente Manuel Quezon.

Kim, emosyonal pag pinag-uusapan ang mga kapatid

Sobrang nagiging emosyonal si Kim Chiu kapag pinag-uusapan ang kanyang mga kapatid.

Ang tagal pala bago sila nagkasama-samang magkakapatid, that’s why.

Single dad ang kanilang ama, kaya inihabilin ang bawat isa sa kanila sa mga kapatid nito, na siya ring nagpaaral sa kanila.

In her case, sa lola niya on her father’s side siya lumaki. May clothing store ito sa Cebu at siya ang ginawang kahera.

Kaya pala marunong sa pera si Kim at alam niya kung gaano kahalaga ito.

Nakaipon siya nang mag-artista siya na sapat para makapagpatayo siya ng bahay, kung saan nagkasama-sama silang magkakapatid.

Ngayon, of course, karamihan sa kanyang elder siblings ay may kanya-kanya na ring pamilya.

ROBI DOMINGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with