^

Pang Movies

Away nina Robin at Trillanes, nabuhay

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Muli ay nagkasagutan na naman sina Robin Padilla at dating Senador Antonio Trillanes IV dahil sa magkaiba nilang opinyon na obviously ay dulot ng kani-kanilang political color.

Si Binoe ay kilalang strong supporter ni Pres. Rodrigo Duterte habang si da­ting Senador Trillanes naman ay kilalang kritiko ni Digong.

Sinagot ni Trillanes ang isang statement ni Binoe na magtrabaho na lang daw at huwag nang magreklamo.

Tweet niya, “Sabi ni Robin, mgtrabaho nlng dw at wg na magreklamo. Ano? #1 na tayo sa pinakamaraming covid cases sa SE Asia, habang parang nglalaro lang si Duterte at ‘di alam ang ginagawa. Basta, isa ka sa salarin kung bakit nging presidente yang si--ulong yan. Malaking perwisyo ang dinulot n’yo sa Pilipinas.”

Sa kanyang Instagram account ay sumagot naman si Binoe.

“Mr. Antonio Trillanes who was educated by our taxes then after he took over oakwood planting C4 explosives endangering civilian lives taking Makati as his hostage not once but twice.

“Mr. Trillanes, unang-una wala akong sinabi na magtrabaho. Pangalawa schoolmate sa Siena College

“Kung sa pagiging perwisyo sa Inangbayan ay nagunguna ka sa dami ng kudeta mo na lahat ay surrenderri ka naapektuhan lang ang economia ng Pilipinas kaya talo na naman ang taongbayan pero ikaw ay panalo dahil naging senador ka parang nagoyo mo lang ang ibang mga Pnoy sa personal mong agenda katulad ng ginagawa mo pa rin ngayon.

“Pakiusap ‘wag mo ako idamay sa away ninyo sa Pulitika dahil hindi ako pulitiko at lalong hindi ako kandidato sa 2022 na katulad mo. I call myself revolutionary because i do not join governments I fight governments and that is what president Duterte and this government is doing fighting the system of government and its oligarchs that was founded by the Magdalos of Emilio Aguinaldo.

“Talagang outside the normal ang ginagawa ni PRRD dahil talagang kumakasa siya sa lahat ng pinaglilingkuran mo. Hindi ka lang napagbigyan ni Mayor PRRD na maging vice president candidate niya nag huramentado ka na at parang kang bata na nagngangangawa.

“Puro batikos puro ka reklamo puro ka hamon dito hamon don napalaban ka na ba talaga? Sinabi na ni pangulo na nagtake over na ang china sa South China Sea/West Philippine Sea bakit hindi ka don magmatapang gusto mo samahan na kita para isang magdalo at may pag asa katipunero ang mag umpisa ng kabayanihan don,” ang bahagi ng mahabang post ni Binoe.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng iringan sina Binoe at Trillanes. Taong 2018 ay nagkasagutan na rin sila for the same reason.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with