^

Pang Movies

K-drama fans sabik kina Hyun at Son

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
K-drama fans sabik kina Hyun at Son
Son

Bongga ang Smart, Salve, ha. ‘Yung mag-partner mismo sa Crash Landing On You (CLOY) na sina Hyun Bin at Son Ye-jin ang kinuha nilang endor­sers kaya naman sure na magpupunta rito ang dalawa para mag-meet and greet kasabay ng Bench ni Ben Chan.

Ang daming excited kaya naman sure na big event ito para sa mga Koreanovela fans. Bongga na after ng CLOY, heto at nakuha agad sila ng Smart para sa kanilang Smart Ako campaign ‘di bah?

Kaya naman ang lakas ng dating ng naturang campaign ng Smart lalo pa nga at bigay-todo ang ginawa nilang publicity dito.

Malaking event ito na kahit papaano ay sure na makakalimutan for a while ang trauma ng COVID-19, dahil nga sa rami siyempre ng fans ng dalawa na excited na makita sila.

Bongga ‘di ba, Salve, sure ako nandun ka para manood dahil type mo si Hyun Bin. 

Radio at TV personalities maraming lipatan ang magaganap

Parang ang siksik ngayon ng radio shows, Salve. Usapan na magkakaroon ng lipatan, katulad nina Ka Tunying at Gerry Baja, si Vic Lima naman ay lilipat na raw mula Teleradyo papunta sa ibang istasyon.

Meron ding TV hosts na mag-iiba ng istasyon kaya marami pang rigodon na makikita. Mukhang maganda naman dahil maghahalo-halo ang mga dating hindi pa nagkasama at sure na maganda ang kalalabasan ng radio programming.

Abangan natin dahil magandang move iyon lalo pa nga at mga superstar na rin ang radio talents.

Wait tayo sa mga bagong programa.

vuukle comment

SMART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with