^

Kaya ayaw pa ring magtrabaho, Alex mahina ang resistensiya

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 8, 2020 - 12:00am

Inamin ng actress na si Alessandra de Rossi kay Howie Severino ang tungkol sa buhay-quarantine, na work from home lamang siya.

Hindi siya lumalabas ng bahay, kahit nami-miss na niyang mag-grocery.

“Takot na takot akong lumabas,” sabi ni Alex. 

“Ayaw kong i-risk ang buhay ko, paano kung mahawa ako? May sakit ang daddy ko sa Italy, kahit gusto ko siyang puntahan, ayaw kong subu­kan.  COVID-19 free ang lugar nila sa Italy, pero paano kung ako naman ang mang­hawa sa kanila? Mahina ang resistensiya ko, kaya talagang dito lamang ako sa bahay, sumusunod sa mga protocols.”

Puring-puri ng netizens, lalo na ang mga nakapanood sa Netflix ng pinag-uusapan niyang movie na Through Night and Day ng Viva films na pinagtambalan nila ni Paolo Contis, at shot in Iceland in 2018. 

Kailan ito masusundan?

“Dapat may gagawin akong movie by October, pero kung hindi pa magbabago ang kalagayan natin dahil sa COVID-19 pandemic, hindi ko iyon itutuloy. May resources pa naman ako, puwede akong magbenta ng gamit ko. Mayroon akong dalawang natapos na album, puwede ko itong ipasok sa Spotify at makakatulong sa akin ang kikitain ko roon,” pahayag ni Alex.

Andi, umalma sa mga nangmamaliit kay Philmar

Ipinagtanggol ni Andi Eigenmann ang partner niyang si Philmar Alipayo, isang French surfing champion based in Siargao Islands laban sa bashers. 

Kasama ni Philmar doon si Andi at ang love child nilang si Lilo.  May bashers na minamaliit si Phimar, ayaw nila ito for Andi dahil isa lamang siyang taga-isla.

Ayon kay Andi, huwag daw maliitin ni Philmar ang sarili niya, “don’t ever say that, because to me, you guys are the richest people on earth to be surrounded by such beauty of nature and living in paradise like this.”

Matagal nang naninirahan sina Andi at Philmar sa Siargao, minsan, kasama nila roon si Ellie, ang panganay ni Andi kay Jake Ejercito. 

Halos hindi na siya bumabalik ng Manila, maliban kung ibinabalik niya si Ellie kay Jake at sa pangangalaga ng ina niyang si Jaclyn Jose dahil sa Manila nag-aaral ang anak. 

Kahit may offers na project kay Andi, TV o movie man, hindi niya tinatanggap, mas gusto niya ang simple life sa Siargao.

ALESSANDRA DE ROSSI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with