^

Pang Movies

Sharon namigay ng mga gamit sa bahay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nasa Instagram page ng comedian na si Chad Kinis ang living room set na bigay ni Sharon Cuneta sa kanila nina Lassy Marquez at MC Muah. Sama-sama pala sa bahay ang tatlong komedyante, kaya sa kanilang tatlo ang regalo ni Sharon.

Sa photo na pinost ni Chad, nasa sofa silang magkakaibigan at parang nagpi-pictorial, may picture ni Sharon at may caption na “Pamigay ni Megastar” at “Binigyan kami ni Ms. Sharon Cuneta ng furnitures. THANK YOU PO INAY.” Nasa vlog din ni Chad ang regalo sa kanila ni Sharon.

Tuwang-tuwa ang netizens sa tatlong komedyante na BEKS Battalion pala ang tawag sa kanilang grupo. Sana lang, hindi sila mag-away-away para hindi nila problemahin kung kanino mapupunta ang living room.

Sabagay, tatlo rin naman ang regalo ni Sharon sa Beks Battalion dahil bukod sa living room, may dining room at bedroom showcase pang bigay si Sharon sa kanila. Kapag nag-away-away ang tatlo, tig-iisa na lang sila ng furniture. Hindi naman siguro ito mangyayari dahil good friends ang tatlo.

Derek at Andrea, libu-libo ang halaga ng panindang face mask

Magkasosyo pala ang magdyowang Derek Ramsay at Andrea Torres sa high-tech face mask na Bouvier Nxt Gen na gawa ng Prolabs Philippines. Sa kanilang vlog, ipinakita ng dalawa ang behind-the-scenes footage para sa launch ng bago nilang business na sa pagbabasa namin ng comments, marami ang interesadong bumili.

Naisipan daw nina Derek at Andrea na magbenta ng bagay na higit na kailangan ng lahat sa panahon ngayon.

“This is actually our first time to shoot since the entire quarantine period so we’re kinda excited. Inisip namin, ano ba pwede nating gawing business na you can earn from but at the same time nakakatulong tayo,” sabi ni Andrea.

May kamahalan ang Bouvier mask dahil sa nagtanong kay Andrea kung magkano, ang sagot ay P3,695. Ang kaigihan lang, tatagal ang gamit dito for two to three weeks sa light pollution at one week sa heavy pollution. May four filters, extra strap at usb cord for charging.

Ang galing nga ni Andrea dahil may nagreklamo sa nabiling face mask from Prolabs Philippines dahil iba sa nasa promo video. Tinanong agad ni Andrea kung saan nabili ang face mask at ipararating sa Prolabs para maak-syunan. At least, hindi sa kanila ni Derek binili ng netizens ang inireklamong face mask.

Speaking of Andrea, present siyempre siya sa 77th birthday party na bigay ni Derek sa ama na ginawa sa bagong bahay ni Derek sa Ayala, Alabang. Para wala nang magtanong, sinabi na ni Derek na bago ang party para sa ama, tinest muna silang mga nasa party, pati ang mga imbitado para siguradong lahat sila ay walang symptoms ng COVID-19.

Prima Donnas, babalik na

May special announcement this Friday ang cast ng Prima Donnas, sorpresa sana ito, pero dahil sa caption na “May magbabalik-telebisyon na siguradong na-miss n’yong makasama tuwing hapon!”

Sa IG ng GMA Drama, may silhouette post ng tatlong babae, kaya lalong naniwala ang mga nakabasa na ang Prima Donnas ang tintutukoy na malapit nang magbalik.

Excited ang viewers sa pagbabalik ng  Prima Donnas, dahil gusto nang malaman kung ano na ang nangyari sa mga karakter ng serye na kanilang sinusubaybayan. 

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with