Eat Bulaga, buhos pa rin ang sponsors kahit replay
Eat Bulaga, buhos pa rin ang sponsors kahit replay
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - August 7, 2020 - 12:00am

Pinaghalong live at replay ang episode ng Eat Bulaga nang magsimula ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at karatig probinsiya noong Martes.

Live ang ang pagbati at pag-intro ng EB Dabarkads na present sa segment na ipalalabas at replay naman ‘yung mga segment na pinalalabas. Nakalagay ang salitang live sa chikahan ng mga napiling hosts na lumabas.

Siyempre pa, ang well-followed segment na Bawal Judgmental ang isa sa segments na niri-replay. May nakalagay sa screen kung kailan umere ang episode.

Pero replay man o live ang episode, tambak pa rin ang commercials, huh! Bukod sa TVCs, ang dami pang sponsor mention sa segment, huh!

Mabuti na lang may mga produkto/advertisers pa ring sumusuporta sa mga TV show na kasalukuyang umeere kahit patuloy ang pandemya, huh!

Palakpakan natin ang mga taong nasa likod nito na suportado pa rin ang TV industry kahit iilan pa lang ang bumabalik sa paggawa ng bagong episodes!

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with