^

Pang Movies

Piolo, ginagawang charger ni Inigo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Piolo, ginagawang charger ni Inigo
Inigo at Piolo

Nanood ako ng the Crawl sa Metro Channel. Ang featured stars habang nasa Chiang Mai ang mag-amang Piolo at Inigo Pascual.

Kitang kita mo ang closeness ng mag-ama, ang respeto at love ni Inigo sa father na si Piolo.

Type na type ko ‘yung binasa niyang letter para kay Piolo na sinabi ni Inigo na isa siyang cellphone at ang charging station niya ang father niya at ang mother niya, na kahit kailan pag alam niya na drained out na siya, running dead ay pupunta lang siya sa tatay niya at sure na mari-recharge na siya agad.

Kita mo na natural ‘yung feeling nila at hindi lang for show dahil kitang-kita mo iyon sa pagkain nila at sa palitan ng salita, iyon casual na biruan nila.

At kahit pa nga hindi kasing-pogi ni Piolo si Inigo ay grabe rin ang charm nito at very articulate magsalita, maganda ang kilos at mahusay magdala ng damit.

Pag nakita mo silang magkasama ay mapapansin mo ang camaraderie nilang dalawa.

I think this is the father and son relationship na talagang matibay. Suwerte naman, parehong ang pogi ang mag-ama.

Happy anniversary Beautederm...

Bongga talaga ang Beautederm, Salve, ha. Sa gitna ng pandemic heto at magdiriwang sila ng ika-11 anniversary nila na kung hindi lang siguro sa lagay ng Pilipinas ngayon ay isang malaking celebration ang gagawin nina Sam at Rhea Tan dahil siyempre milestone ang makaabot ka sa ika-11 taon ng negosyo mo na lalo pang mas nagiging successful habang tumatagal.

Grabe talaga ang growth ng Beautederm, kaya naman hayan at parami nang parami ang endorsers, branches at resellers nila.

Halos every year ay dumodoble talaga sa tuwing pupunta tayo sa Clark pag birthday ni Rhea Tan at binibigyan niya ng blowout ang halos lahat ng resellers nila.

This year siguro medyo magiging simple ang pagdiriwang, dahil nga ewan ko ba kung bakit killjoy ang taong 2020.

Happy anniversary, Ms. Rhea Tan, na sulit talaga ang lahat ng pagod sa Beautederm dahil tingnan mo, nasa top of the line ito pagdating sa beauty products.

Bongga.

Mga hayop, ramdam ang pandemic

Siguro, Salve, ‘yung pets natin lalo na ang dogs ay feel na feel ‘yung anxiety around them. Kasi napansin kong medyo tamad ang doggies ko after i-announce na naman ang modified enhanced community quarantine.

Bihira silang mag-play at hindi na sila masyadong maingay. Siguro naa-absorb din nila ang problema sa paligid at nakikita na apektado ang mga tao sa paligid.

Iyon ngang paglabas ng ostrich sa isang subdivision sa Quezon City, ‘yung pigs at baka na gumala sa overpass, ‘yung mga nakawalang kambing, para bang inabot din ng nerbiyos ang animals at hayun naglabasan.

Mabuti na lang at naisipan ni Mayor Isko Moreno na ayusin ang Manila Zoo para mapaganda ang kalagayan ng animals na nakakulong doon, lalo na si Mali ang elephant na ang tagal na sa atin.

They can feel us and the things around us, kaya i-comfort din natin sila.

Lahat ay apektado na ng pandemic. Grabe.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with