^

Pang Movies

Dingdong, gustong pagbantayin sa checkpoint

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nag-react ang fans ni Dingdong Dantes sa banat ng blogger sa aktor na sinabihang “Army Reservist Ka magsilbi ka sa gobyerno!”

Sagot ng fans ni Dingdong, nagsisilbi si Dingdong sa ibang paraan at hindi sa paraan na gusto nito na gusto yatang makita ang aktor na tumutulong sa mga sundalo at pulis na mag-check ng mga tao na dumadaan.

Dagdag pa ng fans ng aktor, ang YesPinoy Foundation ni Dingdong hindi tumitigil sa pagtulong, may sakuna man o wala at naka-ilang wave ang pamamahagi nila ng relief goods sa apekatado ng COVID-19.

Active rin ang YesPinoy Foundation sa pagtulong nang pumutok ang Taal volcano.

Ipinaalala rin ng fans ni Dingdong na ilang beses nag-distribute ng food sa medical workers sina Dingdong at Marian Rivera. Si Marian pa nga ang nagluluto ng dini-distribute nilang food pack.

Malapit na rin ang launching ng Dingdong PH na delivery app business na bubuksan ng aktor at mga kaibigan nito para matulungang bigyan ng trabaho ang mga taga-entertainment industry na nawalan ng trabaho.

Zsa Zsa, nag-aral nang maging farmer

Balik-social media na si Zsa Zsa Padilla at isa sa mga rason ng muli niyang pag-a-active ng singer-actress ay ang isyung corruption sa Philhealth.

Isa sa rason kung bakit nawala ng ilang weeks sa social media si Zsa Zsa dahil nag-virtual seminar on organic farming. Pinost nito ang Certificate of Training na kanyang tinapos at nakalagay ang “Certificate of Training Esperanza Padilla for successfully completing the Seminar In The Agrillenial On Organic Farming.”

Paghahanda ito ni Zsa Zsa para sa pamamalakad sa Esperanza Farms na katabi yata sa Casa Esperanza, ang resort sa may Quezon na malapit na rin yatang maging operational.

O, baka hinihintay lang nina Zsa Zsa at partner niyang si Conrad Onglao na maging normal na ang takbo ng buhay sa bansa.

Sheena, lumaki ang boobs

Sa Kapuso aktres na buntis, si Sheena Halili ang susunod kina Iya Villania at Max Collins na manganganak.

Ang gandang buntis ni Sheena at hindi lang tiyan niya ang lumaki, pati boobs. Masaya nga nitong ipinakita ang kanyang baby bump habang nakasuot ng brown bikini.

Twenty weeks pregnant si Sheena, mahaba-habang panahon pa ang hihintayin nila ng asawang si Jeron Manzanero bago lumabas ang kanilang first baby. Hindi pa yata nababanggit ni Sheena ang gender ng kanyang baby, wait natin ang gender reveal.

Anyway, bumuhos ang positive comments at papuri sa post ni Sheena with her in a two-piece bikini. Sexy daw ang aktres kahit malaki na ang tiyan. Si Janine Gutierrez nga, ang comment, “Omg ate you look so good.”

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with