^

Pang Movies

John, tinanggihan ng maraming hospital

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Alam mo, Salve A., napakahirap magkasakit sa panahong ito ng pandemya kahit hindi COVID-19-related ang sakit ng isang tao, mahihirapang ma-admit sa isang pagamutan dahil nasa full capacity ngayon ang hospitals pati na ang emergency rooms. Ito’y naranasan ng may sakit na actor na si John Regala last Tuesday, August 4 sa pagnanais nitong ma-confine sa isang pagamutan.

Lahat ng ospital (government and private) na pinagdalhan kay John na namimilipit noon ng sakit na nararamdaman sa kanyang katawan  ay hindi nabigyang-pansin ng mga doctor sa ER dahil sa pagiging punong abala nila sa COVID-19 patients.

Sinubukan ko ring kumontak ng iba’t ibang hospitals pero pare-pareho sila ng sagot kaya napilitan ang pobreng si John na bumalik sa kanyang condo kasama ang hirap na hirap na ring aides ng actor na sina Bem at Teddy at isang kaibigan na nag-drive for them. 

Hindi na halos makakilos at makatayo si John kaya kahit dalawang tao ay hirap sa pag-alalay sa kanya.  Pero ang maganda, bigla akong nakatanggap ng text mula kay Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong at sa kanyang staff na ma-accommodate umano si John sa National Kidney Transplant Institute (NKTI). 

Sa tulong ng mga volunteer friends ni Nadia (Montenegro) mula sa Philippine Navy ay magkakasama nilang sinundo at binuhat si John at dinala sa NKTI kinahapunan kung saan siya ngayon naka-confine.

Hindi agad nadala si John sa kanyang pribadong kuwarto dahil kailangang hintayin muna ng mga doctor ang resulta ng tests na ginawa sa kanya at kasama na rito ang swab test kung siya ay negatibo o positibo sa COVID-19.

John is not a cooperative patient kaya malaking challenge din ito sa mga doctor ng NKTI na ginagawa ang lahat na gamutin ang actor kahit nasa malalang stage na rin ang kanyang liver cirrhosis at iba pang organs na apektado na rin.

Gayunpaman, gusto naming pasalamatan ang doctors and nurses na tumitingin at nag-aalaga ngayon kay John na pinangungunahan nina Dr. Jaime Ignacio at Dr. Jade Jamias. 

Maraming salamat din kay Cong. Ronnie Ong, CJ Licudine Dalen, Cel Parola at Vina Pastor (congress staff) sa malaking tulong nila na ma-admit si John sa NKTI gayundin sa mga Philippine Navy volunteers na sumundo kay John.

Ang nakakatuwa lamang , Salve A., patuloy ang dating ng suporta kay John hindi lamang mula sa mga kilalang personalidad sa showbiz at pulitika kundi maging sa mga hindi kakila na nagpapaabot ng tulong kahit sa maliit na halaga.

Maraming salamat kay Raffy Tulfo, former Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Lito Lapid at Mark Lapid, Mayor Richard Gomez, ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna, ang AKTOR na pinamumunuan ni Dingdong Dantes at marami pang iba. 

Ang nakakatuwa, ultimo ang unang asawa ni John na si Au Manansala-Hunt na naka-base sa Amerika kasama ang biological son ni John na si John Paul Kieffer ay nagpapadala rin ng financial help at regular na nakikipag-communicate sa dating mister kahit meron na itong Amerikanong husband na si Stephen Hunt.

Kahit sa panahon at gitna ng pandemya, hindi pa rin talaga nawawala ang tulungan at bayanihan para makatulong sa kapwa.

vuukle comment

JOHN REGALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with