^

Pang Movies

Sharon, aligaga sa paghahanap ng bibilhing property

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sharon, aligaga sa paghahanap ng bibilhing property
Sharon

Bongga si Sharon Cuneta hah. Imagine nag-inquire siya ng mga puwedeng bilhing property sa France, either castle o stonehouse o farmhouse.

Sosyal na sosyal. Sabagay ang husay ng real estate taste ni Sharon kaya maganda ang investments niyang properties dito sa Pinas at ‘di ba nagkaroon din siya ng US property na ipinagbili na niya.

Naturuang mabuti ni Mayor Pablo Cuneta si Sharon kung saan magandang ilagay ang mga kinita niya, kaya nga ‘di ba kahit sa jewelry collection kilala ang mga pag-aari niyang alahas na lahat ay de kalidad.

Kaya nga matatag ang financial standing ni Sharon na imagine, lahat hirap ngayong pandemic, siya kung ano-anong property ang bibilhin ang problema, bongga ‘di bah! 

Donita, nasayang ang pagbalik ng showbiz

Siguro ang lungkot din ni Donita Rose na aalis na naman siya sa ‘Pinas at magma-migrate na uli sa USA. Matagal din siyang nag-try na mag-settle sa US. In fact, naging chef pa siya sa isang sikat na resto sa Las Vegas kaya lang nagbalik siya sa showbiz dito sa atin, at iyon nga, nag-divorce silang mag-asawa at nasa kanya ang anak nila na isang teenager na lalaki.

Sayang nga dahil hindi gaanong na-utilize ang talent ni Donita sa pagbabalik showbiz niya, na noon aside from acting, isa siyang mahusay na host at DJ.

Siguro nga sad na sad siya dahil mukha namang mas gusto ni Donita Rose dito sa atin, pero kung wala namang job opportunity, mas mabuti na rin na magbalik-USA na lang siya at baka mas makilala pa siyang mabuti as a chef.

At least, practical si Donita dahil hindi siya naghintay nang matagal to make a decision, dahil din siguro lumalaki na ang anak at ayaw naman niyang maghintay nang matagal bago magtrabaho.

Goodluck Donita Rose, sana aside from work ay matagpuan mo rin ang lalaking mamahalin mo forever. 

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with