Ang Probinsyano, sa cellphone na pinapanood ng fans
BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - August 5, 2020 - 12:00am

Para-paraan lang talaga ang buhay showbiz lalo na kapag may problemang pinagdaraanan.

Sinong makapagsasabing mapapanood pa ang Ang Probinsyano matapos durug-durugin ng 70 kongresista ang kanilang franchise renewal?

Well, nakalusot sa digital platforms ang naturang serye ni Coco Martin at napapanood na ng madla.

Ang pangako ni Coco ay tatapusin niya ang nasimulang teleserye ng ABS-CBN kaya nagpalakpakan ang kanyang fans na sumusubaybay na lang sa kani-kanilang mga smart phone.

Sen. Bong, nabawasan na ang lungkot

Ika-40th day ng pagkamatay ni Nardong Putik Ramon Revilla Sr. ngayong araw, August 5.

Unti-unti nang nakaka-move on si Senator Bong Revilla na pinaka-affected sa pagkamatay ni Ramon Sr.

Mabuti na lang daw at kahit papaano tumutulong-tulong siya sa mga naapektuhang taga-showbiz ng COVID kaya nakakalimutan niya ang kalungkutan.

Miggs, hindi makalimutan si Direk Maryo

Sa August 8 ang ika-16th birthday ni Miggs Cuaderno at maraming fans niya ang excited makita kung paano ito ipagdiriwang.

Masuwerte si Miggs dahil may maaga siyang regalong natanggap, ang pagkakataong makasali sa Metro Manila Film Festival ang movie niya na Magikland kasama si Elijah Alejo na tinutukso sa bagets.

Nagpasalamat si Miggs dahil malaki ang naitulong ng nasirang si direk Maryo delos Reyes sa kanyang acting career. Nagamit niya ito sa Magikland sa direksyon ni late Peque Gallaga.

Happy birthday, Miggs.

Kapamilya stars dapat makaalala sa utang na loob

Yung mga dating ABS-CBN talent ay sana naman ay huwag nang magpatutsada pa kung sakaling may pagkukulang sa kanila ang naturang network noon, lalo pa’t lilipat na sila sa ibang network.

Dapat tandaang nakilala sila nang dahil sa break na ibinigay ng ABS-CBN. Nagkapera at yumaman kaya dapat itong ipagpasalamat at sabi nga ay matutong tumanaw ng utang na loob. May karma ang masamang ugali. Lagi ‘yang tatatandaan.

Happy Birthday…

Birthday greetings sa mga may birthday ngayong August : Manay Ethel Ramos, Dingdong Dantes, Cesar Montano, Daria Ramirez, Aga Muhlach, Phillip Salvador, Sen. Lito Lapid, Mother Lily Monteverde, singer Anthony Bennet, Senator Leila de Lima, at sa namayapang sina Fernando Poe Jr.,  at Amalia Fuentes.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with