Richard nagpa-swab test
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - August 5, 2020 - 12:00am

Nag-positive pala sa COVID-19 si Batangas Vice Governor Mark Leviste na nakasama ng cast ng Ang Probinsyano dahil may mga eksenang kinunan sa hacienda nito sa Batangas. Parang may special participation din yata si Vice Gov. sa serye ni Coco Martin.

Anyway, sabi ni Richard Gutierrez, nakasama nila si Mark sa Batangas noong 1st week ng July. Nagpa-swab test sila noong July 10 at negative lahat ang resulta.

“Nakakalungkot na nangyari sa kanya yun & I think he’s gonna recover fast. I don’t think he was positive that time. I think he got it after taping,” pahayag ni Richard.

Nabanggit din ni Richard na sa end ng August pa ang resume ng taping nila ng Ang Probinsyano kaya hindi maaapektuhan ang taping ng series ngayong MECQ. Kapag nag-resume sila ng taping, hopefully, lifted na ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Sheryl, pinanindigang walang utang

Hindi pa pala tapos ang isyung “pangungutang” daw ni Sheryl Cruz sa isa niyang kakilala at ang perang inutang daw ng Kapuso actress ay ginamit ni Sheryl nang tumakbo siyang konsehal sa isang distrito sa Manila.

Nagpaliwanag na si Sheryl sa isyung ito, itinangging may utang siya, nag-isyu siya ng statement, but apparently, may mga hindi nakabasa sa statement niya at patuloy siyang bina-bash.

Sabi ni Sheryl, kapag napatunayan ng tinawag niyang Alex na nangutang nga siya, willing siyang magbayad. Pero nilinaw nito na ang perang sinisingil sa kanya ay hindi galing kay “Alex” kundi galing sa campaign fund.

Tinawag ni Sheryl na “pseudo court” ang radio program kung saan lumapit si Alex para magpatulong maningil.

Careful si Sheryl na hindi binanggit ang radio host at radio program para nga naman walang dagdag na isyu sa kanya.

Ang tagal ng tapos ng kampanya at natalo si Sheryl, pero hanggang ngayon ay may isyu pa rin siyang kinakaharap. Dahil dito, hindi na siguro gugustuhin ng Magkaagaw actress na muling pasukin ang pulitika dahil sa dulot na gulo at heto nga, inakusahan pa siyang hindi nagbabayad ng utang.

RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with