Jennylyn walang takot bumanat
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 5, 2020 - 12:00am

Ipinagtanggol si Jennylyn Mercado ng kapwa Kapuso artist at kapatid sa management ni Becky Aguila na si Mikoy Morales sa mga banat sa kanya sa social media.

Tweet ni Mikoy, “Good mor­ning! Arnell Ignacio’s “unsolicited advice” to Jennylyn is exactly why most artists aren’t speaking up - baka daw masira ang career. Break the stygma. Pilipino muna tayong lahat before anything else.”

Well, sana payuhan din ni Arnell Ignacio ang sarili niya dahil artista rin naman siya na nag-iba ng linya at pumasok sa pulitika.

At payo rin namin sa kanya, ‘wag niyang ilihis ang issue sa pamamagitan ng pag-atake sa mga artista. Sagutin na lang niya at klaruhin ang mga banat sa gobyerno bilang isa siyang supporter ng administrasyon.

Besides, hindi kami naniniwala na mawawasak ang career ng mga artista just because nagsasalita sila. Wala silang ginagawang masama sa mga mamamayan para mawasak ang career nila. Mas tama pang sabihin na ang mawawasak ang career ay ang mga pulitikong hindi nagtatrabaho nang maayos dahil sa posibilidad na hindi na sila iboboto sa susunod na eleksyon.

Korina ni-reveal ang sikreto

Ipinagdiriwang ng Beautéderm Corporation ang ika-11 anibersaryo nito sa isang kolaborasyon kasama ang veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa pamamagitan ng isang sensational at bagong produkto – ang Slender Sips K-llagen Collagen Drink.

Maaari na ngayong i-reveal at ibahagi ni Korina ang isa sa kanyang mga best kept secrets na kanyang pinaniniwalaan na pinakamalapit sa Fountain Of Youth.

“Madami ang nagtatanong kung bakit mukha akong bata para sa sa aking edad. Well, K-llagen is a healthy and delicious collagen drink that I take every day,” sabi ni Korina.

Distributed ang Slender Sips K-llagen Collagen Drink ng RD Healthy Li­ving Corporation na sister company ng Beautéderm. Ang FDA-Notified na produktong ito ay mayroong all-natural ingredients gaya ng sodium hyaluronate, chamomile, at pomegranate at Sakura flower extracts na dinagdag sa collagen – na lahat ay meticulously formulated upang bigyan ang ating katawan ng daily boost of energy, vitality at youth.

Ang Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan naman ay labis ang kaligayahan na makasama si Korina sa Beautéderm family.

“I welcome Ms. K with open arms and a happy heart,” sabi ni Anicoche-Tan.

“Idol ko siya. Mahal na mahal ko siya at grateful ako sa aming friendship at sa kanyang tiwala. This is so exciting. The drink currently has a strawberry milkshake flavor and we will launch other flavors in the months to come. Malaking karangalan na si Ma’am Korina ang na-rerepresent sa produkto naming ito.”

“Handa na ba kayong sumigla, bumata, at gumanda? K-llagen is here and it really, really works. Cheers,” sabi ni Korina.

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with