Fans ni DJ Loonyo, nagbalat-sibuyas
DJ Loonyo
Fans ni DJ Loonyo, nagbalat-sibuyas
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - August 5, 2020 - 12:00am

Trending ang hashtag na #BOYCOTTBUBBLEGANG sa Twitter kahapon. 

Inusyoso namin ang thread ng comments kung bakit may panawagan na boykotin ang Kapuso gag show.

‘Yun pala, may ginawang parody ang show na tila si DJ Loonyo ang ginagaya. Uminit ang ulo ng fans ng viral sensation kaya nanawagan silang boykotin ang programa.

Eh ‘yung supporters ng show, higit na sinuportahan ang gag show dahil hindi lang celebrities ang pinaglalaruan nila kundi pati pulitiko, huh!

Komento ng netizen na may user name na @blinkeu_pinkeu, “Mas malala pa ang mga ginawa nila a iba eh hahaha pero wala naman reaction halos lahat. Lol nakakatawa naman mga isip bata ampt.”

“You can’t #BOYCOTTBUBBLEGANG Alam nyo yung word at meaning ng “gag show” ha nasa rin kasi sa urban dictionary habang may data kayo sa internet huwag puro kayo nahumalig sa mga hawak testicool ni DJ Loonyo.

“Mga crybabies talaga,” tweet naman ni @JTFFernando029.

Naku, tanging Bubble Gang na lang nga ang napapanood na gag show ngayon, huh! Mga balat-sibuyas!

CONTROVERSIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with