Cooking shows, malaking tulong
Cooking shows, malaking tulong
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 5, 2020 - 12:00am

What is nice about cooking shows ay ‘yung parang ang dali-daling magluto saka ‘yung mga niluluto na hindi gaanong mahal ang ingredients at madaling hanapin. Maganda rin pag madaling intindihin ang sinasabi ng host pag itinuturo kung paano lutuin at dapat konti lang rin ang adlibs para mas madali.

Exciting din na mag-discover ng mga bagong putahe kaya palagay ko marami ang nanonood ng cooking shows.

Very exciting at very helpful dahil parang pumasok ka na rin sa culinary school.

More learning shows lalo na ngayong MECQ na naman, kaya dahil wala namang social relevance ang TIPMMG (Take It...Per Minute, Me Ganun) pahinga muna kami na parang frontliners na kailangan din ng rest, lahat pagod na sa virus ha, sobra na.

Kanselado...

Sayang ang lunchdate natin with Aileen Go ng MegaSoft, Cong. Niña Taduran at Rossel Taberna sa Annabels na na-cancel dahil nga sa MECQ na naman tayo, Salve. Excited pa naman ako makipagkuwentuhan kay Budingding na lola ni Sandara Park, dahil ang tagal na nating hindi siya nakita after ng Korean trip natin. At sa kanya ko nalaman na si Rose Garcia pala ay sa Bataan muna nag-stay para samahan ang mother niya habang naka-quarantine.

Ang tagal nang plano ang lunchdate na ito pero dahil nga medyo delikado na naman kaya ikinansel na muna at saka na lang ituloy after ng MECQ.

Pero kahit pa nga ganito ang panahon, hindi nakakalimot si Aileen at kung anu-anong pagkain ang ipinadadala sa atin habang naka-community quarantine dahil nga hindi tayo puwedeng lumabas.

Si Elena Budingding naman ay merong konting online business na pastries na ang sarap-sarap kaya naman madalas ipangregalo ni Aileen Go ng MegaSoft sa mga kaibigan niya.

Matagal na rin nating na-miss si Cong. Niña Taduran na ang sarap ng ginataang santol in a bottle na ngayon ay favorite na ng lahat nang nakatikim.

Sige next time guys, saka na ang kuwentuhan blues pag hindi na MECQ.

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with