^

Pang Movies

Tim Pavino, may handog na dalangin

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nag-release ang pop baladeer na si Tim Pavino ng stripped down version ng kanta niyang Dalangin kasama ang songwriter-producer na si KIKX. 

“Para sa mga taong malungkot ngayon, umaasa kami, ito ang Dalangin namin para sa inyo na magpatuloy kahit na humaharap tayo sa COVID-19 pandemic,” sabi ng The Voice of the Philippines season 2 semi-finalist. 

Nakakuha ng inspirasyon si Tim sa panahon ng quarantine para gawin ang raw version ng Dalangin, na tanging piano lang ang maririnig na instrumento. Tinatalakay ng kanta ang pagiging totoo sa pagmamahal sa isang tao kahit na hindi sigurado kung masusuklian ba ang pag-ibig na ito. 

Si KIKX ang sumulat at nag-arrange ng orihinal at bagong bersyon ng kanta, na nauna nang inilabas bilang isa sa mga kanta ng seven-track EP ni Tim na Dreams mula sa Star Music.

Kabilang din sa EP ang mga kantang Ulap, Pa’no Mo Nasabi, Wish I Could, Kanlungan ng Puso, at mga komposisyon ni Tim na Just A Dream at Happy, na pawang kumuha ng inspirasyon sa tunog ng ‘80s. 

Mula nang sumali si Tim sa The Voice sa ilalim ni Coach Lea Salonga noong 2014, sumabak na siya sa musical theatre at nakapagtanghal bilang Emilio Aguinaldo sa Miong, Houdini sa Side Show, The Doctor sa Matilda The Musical at isa sa The Drifters sa Beautiful: The Carole King Musical.

vuukle comment

TIM PAVINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with