^

Pang Movies

Winwyn sumabak sa training na pang-lalaki

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nadagdag na si Winwyn Marquez sa mga artistang pumasok na sa pagti-training sa military bilang isang reservist. 

Unang pumasok si Kapuso Primetime King Dingdong Dante as reservist sa Philippine Army.  Sinundan siya ng isa pang Kapuso actor, si Rocco Nacino, na nag-training naman sa Philppine Navy. At ngayon, isa pang Kapuso ang sumunod. Ang first Filipino Miss Reina Hispanoamericana 2017, Teresita Ssen Marquez.

Nag-post sa kanyang Instagram wall si Winwyn ng photos niya habang nagti-training, with a caption: “BCMC CLASS 01 2020 – Class President, Marquez. Hooyah!!! #PHNavyReserved Force.

Congrats sa lahat! Class 01 let’s do this... Strict protocol was followed and everyone was required to do a rapid test before anything else.”

Maraming humanga kay Winwyn sa ginawa niyang ito, at nag-wish sa kanya: “May God keep you safe, healthy & keep inspiring the young ones.”

Mikee ayaw maging negative

Naghahatid ng inspirasyon ang bagong single ni Mikee Quintos para sa lahat ng dumaranas ng pagsubok ngayon. Ngayon ang title ng single na alay ni Mikee sa mga taong nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa pandemya.

Umiiyak na ibinahagi ni Mikee ang lungkot niya sa interview sa kanya sa 24 Oras sa pagkawala ng isang malapit na kaibigan ng kanilang pamilya na pumanaw dahil sa COVID-19.

“When I heard the news, it was really sad,” sabi ni Mikee. “Nakakaiyak lang, yung thought na walang burol, hindi pwedeng magburol. Inikot nila yung coffin niya sakay ng isang car sa buong barangay. Sobrang biglaan lang ng lahat. I’m praying for everyong who lost a loved one during COVID-19 pandemic.

“I really like how the tone sends a positive feeling. Parang good vibes siya. I wanted to inspire people na gamitin ‘yung time na mayroon tayo ngayon.  Gawin na lahat ngayon ng hindi nila nagawa before.  See the brighter side of things with everything that’s going on kahit ang lungkot ng news, kahit ang lungkot ng mga nangyayari sa atin, it’s up to us to make good news for ourselves.”

Kasalukuyang napapanood si Mikee gabi-gabi sa rerun ng Encantadia.

vuukle comment

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with