^

Pang Movies

Heart, nanunog ng basher!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Inabutan ng MECQ sa Sorsogon si Heart Evangelista, but at least, kasama niya ang asawang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero. Hindi gaya noong unang mag-lockdown na matagal hindi nagkita ang mag-asawa dahil nasa Manila si Heart, samantalang si Chiz ay nasa Sorsogon.

Nag-i-enjoy si Heart sa Sorsogon at ang dami niyang napupuntahan at napu-promote pa ang lugar at ang native products ng lugar ng asawa. Ang dami na nga niyang nakumbinse na bumili ng native products na gawa sa Sorsogon pati mga pagkain.

Ang maganda nito, malapit nang mabili sa Maison Love Marie ang mga ipinagmamalaking Sorsogon products, kapag normal na ang takbo ng buhay ng mundo at ng Pilipinas.

amantala, may “sinunog” na namang basher si Heart na nag-comment ng “ang effort pag international brand! I thought you promote local? Hahaha.” Sinagot siya ni Heart ng “All I know is bullying is so last season.”

Ayun, napahiya si basher at hindi na nakasagot lalo na at pinagtulungan siya ng supporters ni Heart.

Tatay ni Marian sabik na sa apo

Ang sweet ng convo nina Marian Rivera at ang amang si Javier Gracia na nag-I love you kay Marian na sinagot ng aktres ng “te quiero papa” sa IG page ng ama ng aktres.

Madalas mag-comment si Marian sa post ng ama at pati sa birthday ng step sister, binati rin ni Marian. Liker naman si Dingdong Dantes.

Nami-miss siguro si Marian ng dad niya dahil nag-post ito ng baby picture ni Marian at nakasulat sa caption ang “A souvenir photo.”

Maaalalang nakaplanong bisitahin ito uli nina Dingdong at Marian sa Spain at dala uli sina Zia at Ziggy na first time sanang makikita ng dad ni Marian. Hindi natuloy ang plano dahil nga sa COVID-19.

Pero, pasasaan ba at makikita rin ni Javier Gracia ang dalawa niyang apo.

Speaking of Marian, isa siya sa celebrity na kahit may lockdown dahil sa Covid-19 pandemic, tuloy pa rin ang dating ng endorsement. In fact, sa kanila ni Dingdong.

Assunta babae ang panganay

May update si Assunta de Rossi sa kanyang pagbubuntis. “Still less than 2 weeks  before I enter my 3rd trimester. Hang in there, coccolina (Italian for “cuddly one)!

“This is a snap from my congenital anomaly scan, and I couldn’’t be more grateful that everything’s good and normal and I pray it stays that way. For now, I’m gonna call her by her nickname, Fiore (Ita­lian for flower). #6monthspregnant #miraclebaby.”

Sa nagtanong kung sino ang magiging kamukha ng baby nina Assunta at Jules Ledesma? “Feeling ko, sobrang mixed na. Spanish/American/Filipino/Chinese/Italian. Pero sana makuha yung intelligence ng dad at wicked/twisted sense of humor ko. Perfect! Haha.”

Hindi lang nagpahuli si Alessandra de Rossi at may comment siya :“Dapat makuha niya ang pangalan at dignidad ko! At maging tunay na Ledesma! Pangarap ko kasi yun.”

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with