^

Pang Movies

John, umaapaw ang ayuda

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Si Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong ang kauna-unahang pulitiko na nagsadya sa may sakit na actor na si John Regala sa tinutuluyan nitong condo unit sa Central Condominium na pag-aari ng Iglesia ni Cristo na siyang kumukupkop sa kanya ngayon.

Bukod sa tulong pinansyal na ibinigay nito sa actor sa kanyang pagbisita, nangako rin ang kongresista ng buwanang tulong kung saan niya makakatuwang ang mag-amang Sen. Lito Lapid at Mark Lapid.

Alam mo, Salve A., natutuwa kami sa outpou­ring help na dumarating kay John na pinangunahan mismo ng sikat ng broadcast journalist na si Raffy Tulfo na agad nagpahatid sa actor ng malaking halaga at grocery items. 

Maging ang actor-politician na si Richard Gomez ay nagpaabot din ng tulong gayundin ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna at ang dating senador na si Jinggoy Estrada. 

Nakakatuwa rin ang tulong na nagmumula sa iba’t ibang sector at kasama na rito ang ating mga kababayan sa ibang bansa. 

May tumawag din sa inyong lingkod na magpapadala rin umano ng tulong pinansyal si Sen. Win Gatchalian at iba pa.

Sa kabila ng pan­demya, hindi pa rin talaga nawawala ang bayanihan at tulu­ngan.

Gusto rin naming pasalamatan ang nagpadala ng wheelchair kay John.

Sa tulong ng mag-asawang Chuckie and Aileen Dreyfus at Nadia Montenegro, nag-launch kami ng online fundraising program for John at nagbukas din kami ng BDO account for John # 002030228830 under the joint account of Nadine Marie Inez M. Plaza at Asteria A. Amoyo kung saan papasok ang cash donations for John.

Ang immediate concern ngayon ni John ay ang kanyang kalusugan. Hindi na siya makakain ng solid food dahil iniluluwa niya ito kaya dependent na lamang siya sa liquid at thrice a week IV o intravenous fluids for hydration. 

Malaking tulong din si Dra. Melissa (Poch) Sanchiongco ng Volunteer CorpsPH dahil napupuntahan na niya si John at least twice a week na kanyang sinimulan last Friday, July 31.

Samantala, isang foundation ang aming binubuo ngayon na nagsimula lamang sa simpleng kuwentuhan with Film Development Council of the Philippines Chairperson na si Liza Diño at actress-entrepreneur na si Nadia Montenegro matapos namin dalawin si John last week. Makakasama rin sa grupo si Ice Seguerra at iba pa. 

Simple man ang aming pangarap na makatulong, sana’y katigan kami ng Diyos sa aming adhikain at suportahan din kami ng ating mga kasamahan sa industriya na labis na nagsa-suffer ngayon dahil sa pandemya.

Gary at Bernadette, may kanya-kanyang negosyo

Construction business ang bagong negosyong pinasok ng actor na si Gary Estrada habang ang misis niyang actress na si Bernadette Allyson ay may online food business at tumutulong sa family business ng kanyang pamilya.

Although hindi tatalikuran ng mag-asawa ang kanilang showbiz career, kailangang meron silang alternatibong pagkakakitaan lalo na sa ngayon na wala pa sa normal ang takbo ng showbiz.

Binigyan din ng mag-asawang Gary at Bernadette ang kanilang tatlong anak na sina Garielle, Garianna at Gianna ng sarili nilang food cart business sa may LTO- Taytay na ang buong compound ay pinatatakbo ng pamilya ni Bernadette.

Dahil wala silang kasambahay ngayon, ang buong mag-anak ay tulung-tulong sa trabaho sa loob ng kanilang bahay bagay na ikinatutuwa ng mag-asawang Gary at Berna na magtu-twenty years nang mag-asawa.

vuukle comment

JOHN REGALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with