^

Pang Movies

Michael V., papagaling na sa COVID

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukha ngang nakaka-recover na mula sa COVID-19 ang komedyanteng si Michael V., dahil sa huling television interview sa kanya, sinasabi niyang ngayon ay nagbabalik na ang kanyang pang-amoy. Isa sa mga palatandaan ng COVID-19 ay ang kawalan ng pang-amoy ng isang tao.

Ang maganda kay Michael V sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanya ay maganda ang kanyang pananaw sa buhay, at naniniwala kaming isa iyon sa mga dahilan kung bakit siya mabilis na gumaling.

Iyong mga pinanghinaan ng loob nang magkaroon ng COVID-19, kagaya nga noong mga naunang nadapuan ng sakit na iyan, nawalan agad ng pag-asa at hindi na nagsikap kaya marami ang namamatay noon.

Ngayon lumalabas na higit na marami sa infected ang gumagaling, iyan ay sa kabila ng katotohanan na wala pa ngang bakuna, at walang sinasabing gamot para mapigil ang virus. Pero dahil sa naging karanasan na ng ating mga doctor, marami ang gumagaling.

Simple lamang ang prinsipyo, kagaya ng principles ng oriental medicine, pinalalakas nila ang katawan ng tao kaya nagkakaroon iyon ng kakayahang labanan ang virus.

Ang maganda naman doon sa mga nakaka-recover kagaya nga ni Michael V., handa naman silang mag-donate ng plasma, o ang white blood cells sa dugo na siyang lumalaban sa mga virus, at pinaniniwalaang dahil nalabanan na ng katawan nila ang virus, may kakayahan iyon na matulungan din ang masasalinan na gumaling.

Ganyan din ang ginawa ni Boyet de Leon at iba pang tinamaan na rin ng COVID-19 at gumaling.

Ang mga kuwento ng mga gumagaling, kagaya ni Michael V., iyan ang nagbibigay sa atin ng lakas ng loob na may pag-asa talagang malabanan natin iyang COVID-19 na iyan.

Mas nadagdagan pa...

Natawa kami doon sa kuwentuhan noong isang gabi. Napansin kasi nila na dumarami ang mga pelikulang Pilipino na nakapasok sa Netflix. Ibig sabihin dahil iyan ay panibagong platform, nadagdagan ang pagkakataon ng ating mga pelikula na kumita, bukod sa sinehan. Isa pa, dahil Netflix nga, napapanood ang ating mga pelikula kahit na sa abroad.

Pero maraming kailangang considerations.

Una makakatulong kung may subtitles man lang para maintindihan din ng ibang mga bansa.

Ikalawa, hindi puwede ang gumagamit ng canned music, madedemanda kayo.

Ang nakakatuwa pa, ang producers natin, kagaya nina Vic del Rosario, Roselle Monteverde at iba pa ang diretsahang nakikipag-negosasyon sa Netflix.

Ipiniprisinta nila ang kanilang catalogue at marami ngang mga pelikula natin ang nakukuha.

Take note, ang producers mismo ang ka-deal ng Netflix. Walang ibang “broker.”

Ibig sabihin walang naglalakad para ang mga pelikulang Pilipino ay makuha ng Netflix kundi ang producers din mismo. Walang red tape riyan.

Walang maaaring magsabing dahil sa kanila kaya nakapasok ang mga pelikulang Pilipino sa Netflix. Sariling sikap iyan at dahil na rin sa mahuhusay naman talaga ang ating mga pelikula.

Take note, ang nakukuha rin sa bagong platform ay iyong mga pelikulang “mainstream,” hindi ang mga indie na pinaniniwalaan ng iba na mas artistic at mas may chances sa international market.

Kahit sa international market, mahalaga pa rin ang commercial viability ng isang pelikula.

vuukle comment

COVID-19

MICHAEL V.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with