^

Pang Movies

Kasal nina Alex at Mikee, walang atrasan kahit pandemic

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kasal nina Alex at Mikee, walang atrasan kahit pandemic
Alex at Mikee

Tuloy na tuloy pa rin ang kasal nina Alex Gonzaga at boyfriend na si Mikee Morada sa kabila ng COVID-19 pandemic.

In fact, namanhikan na ang magulang ni Mikee kina Alex kamakailan at ibinahagi ito ng vlogger sa kanyang latest YouTube vlog.

Naganap ang “Pamamanhikan 2020” sa bahay nina Alex sa Taytay, Rizal pero ipinauna naman ng future bride na safe naman silang lahat sa COVID-19.

Present ang lahat ng miyembro ng both families kabilang na sina Toni Gonzaga and husband Paul Soriano with their son, Seve.

Bungad ni Alex, nais daw niyang i-share sa kanyang subscribers ang nasabing importanteng event sa buhay niya bilang pagdiriwang na rin sa kanyang ikatlong taon bilang vlogger.

Naghanda ng sump­tuous dinner ang pamilya Gonzaga and as usual, si Alex ang live wire dahil sa kanyang kakalogan.

After the dinner at nag-alisan na ang mga bisita, humarap sa camera ang engaged couple at nagpasalamat.

“Malapit na po kaming magkaisang dibdib,” anunsyo ni Alex. “At finally, mami-meet na niya ang walwal ng Taytay. Pagkapatay ng ilaw, talagang walwalan na ‘to,” pagbibiro ng vlogger/actress.

Binati rin ni Alex ang mga taga-Lipa City kung saan ay nagsisilbi si Mikee bilang Councilor.

“Mga taga-Lipa, kumusta ho kayo? Ako na po ang bago n’yong kababayan,” sey ni Alex.

Ikinaaliw namin nang bongga ang sinabi ni Alex kay Mikee. Aniya,  “makikita mo na ang Yamashita Treasure ng Taytay. Sa gabing ‘yun, talagang masasabi ko sa ‘yo, isa ka sa pinagpala.”

For sure, may idea naman kayo kung bakit “pinagpala” raw si Mikee sa gabi ng kanilang kasal.

Anyway, hindi pa inanunsyo ng engaged couple kung kailan ang kasal kaya abangan na lang natin ang kanilang next announcement.

Maja, ‘di pa alam kung pakakasal sila ni Rambo

Hindi pa masabi ni Maja Salvador kung kailan naman sila mae-engage at magpapakasal ng boyfriend niyang si Rambo Nuñez.

“Kung ibibigay ni God na ngayon, eh di ‘yun, di ba?” pahayag niya nang mag-guest siya sa online show ni Toni Gonzaga na I Feel U.

Dagdag pa niya, tatanungin na lang niya si Rambo kung pwedeng mag-guest sa show para ito na lang ang sumagot sa katanungan ni Toni.

As we all know, “2nd wave” na ang pagmamahalan ngayon nina Maja at Rambo dahil years ago ay naging sila pero nag-break sila at muli lang nagkabalikan last year.

When asked kung bakit niya binigyan ng second chance si Rambo, ani Maja, siguro raw kasi ay dahil sa months lang ang itinagal ng relasyon nila noon.

“Naudlot talaga. Tapos iba rin ‘yung love ng family (niya) na ibinibigay sa akin. So, ayun, parang nun’g nagkabalikan kami, ilang beses ka­ming, alam mo ‘yung ramdom na pagkikita, andun ‘yung. . .may certain feeling na ‘yung naramdamdam mo dati, parang meron pa rin.

“Nun’g naging kami ulit, parang nasabi ko na. . .parang alam mo ‘yung ‘ah, I’m home again.’ ‘Yung parang ganu’n ‘yung feel,” sey ni Maja.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with