^

Pang Movies

Dingdong at Marian, may double celebration

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dingdong at Marian, may double celebration
Dingdong at Marian

Birthday month ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang August.

Siguro nga talagang sila ang pinagtagpo ng tadhana, kasi pati birthday nila parehong buwan at halos magkalapit ang petsa.

Kahit nga medyo mahirap ngayon ang magkaroon ng party, sure ako na may intimate dinner o lunch ang mag-asawa, dahil ever since naman iyon ang gusto nila, ang party para lang sa pinaka-close sa kanila.

Kahapon nag-birthday si Dingdong at sa August 12 naman si Marian.

Siguro now, doble ang saya nila kasi nga, dalawa ang anak nila na sina Zia at Ziggy.

Sina Dingdong at Marian ang dalawa sa mga artista natin na pinakamabait at talagang kaya maganda ang takbo ng buhay ay dahil  na rin mabuti silang mga tao at tunay ang kabutihan ng puso.

No wonder they get all the blessings they really deserve.

Happy birthday, Dingdong and Marian. 

Frontliners umaaray na

Umaaray na ang frontliners, Salve. Gusto na nilang magpahinga kahit dalawang linggo man lang, kaya ang suggestion nila ay mag-Enhanced Community Quarantine muna uli.

Siguro nga dahil may shortage ng frontliners, at dahil marami na rin sa kanila ang infected ng COVID-19, kaya gusto muna nila na mapahinga kahit dalawang linggo man lang.

Nakakaawa din naman dahil talagang kung hindi nila kaya, hindi rin nila maibibigay ang serbisyo na dapat gawin.

Two weeks na naman na ECQ, grabe na talaga, paano pa ang pag-andar ng ekonomiya? Paano na ang mga magugutom na naman?

Naku, dapat talaga maayos na ang problema. Grabe talaga.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with