Ka Tunying, namaalam na sa ere
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

Inakusahang DDS (Diehard Duterte Supporter) si Anthony Taberna at tinatawag pang plastic at natuwa pa raw nang magsara ang ABS-CBN. May nag-comment pa ngang mayaman na si Ka Tunying at hindi na kailangan ang ABS-CBN.

Pero sa pagsasara ng Dos Por Dos, ang show nila nina Bernadette Sembrano at Gerry Baja, nagpahayag ng lungkot si Ka Tunying.

“Mahigit kalahati po ng buhay ko, nandito ako sa ABS-CBN. Kaya kong sabihin sa lahat na ang ipinakakain natin sa pamilya natin, at sa iba pang taong umaasa sa atin, pati na ‘yung pinagsimulan ng maraming oportunidad sa buhay natin, ay dahil po sa ABS-CBN. Hindi po mawawala sa ating puso ‘yun.”

Bukod sa Dos Por Dos, nawala na rin ang Umagang Kay Ganda na isa pang show ni Ka Tunying, pero umaasa ang supporters nito na magkakaroon siya ng show sa Net 25 na pagmamay-ari ng Iglesia Ni Cristo.

Zia, mahusay na sa drums

Sa short film na ginawa ni Dingdong Dantes para sa promo ng UFC, ang napansin namin ay ang punong pantry ng mga Dantes. Parang grocery ang pantry ng mag-asawa, kumpleto sa pagkain at hindi na kailangang lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at lulutuin.

Si Dingdong ang nagdirek ng short film na Jose at Maria ang title at ipinakita kung gaano ka-busy si Marian Rivera na pati laruan ng mga anak na sina Zia at Ziggy ay siya ang nag-aayos. Ang Agosto Dos Productions ang producer at kasama sa nag-concept ng story ang kapatid ni Dingdong na si Vicki Dantes.

Samantala, napansin namin na kapag nagda-drums si Zia, nakatayo pala siya dahil hindi pa niya abot ang padyakan sa baba ng drum. Ang husay na ni Zia mag-drums at her age dahil mahusay magturo ni Dingdong.

Kris, si Bimby ang reminder

Sinagot ni Kris Aquino ang tanong ng press people tungkol sa sisimulan niyang talk show sa TV5 na Love Life with Kris.

Sa unang tanong kung kaya na ba uli ng katawan niya ang magtrabaho sa TV?: “When there’s a will, there’s a way. Kakayanin ang sagot.”

Inalam din kay Kris kung ano ang nakakumbinsi sa kanya para bumalik sa TV. “Marami tayong dinaraanan bilang bansa. Ayokong dumagdag sa problema ninyo. Gusto ko kayong bigyan ng pag-asa. Siguro, ako ‘yung living proof of that. Hindi ako sumuko. At ito na ‘yun. So, kahit papa’no. Kahit na konti man lang sana, ‘pag napapanood n’yo ko, maisip ninyo, na dapat, hindi rin kayo sumuko.
 Sa tanong kung concept niya ang Love Life with Kris, ang sagot ni Kris, “I gave a lot of input. Kung ano ang mangyayari sa ‘Love Life with Kris.’ So, i double meaning n’yo na ‘yung ‘love life.’”

Nabanggit din ni Kris na hindi na siya dumaan sa adjustment sa muling pagho-host ng talk show dahil praktisado siya sa bahay nila dahil araw-araw silang nagto-talk show ni Bimby.

Si Bimby din daw ang schedule master niya at taga-remind ng mga bilin ng doctor gaya ng kung ilang araw siya magtatrabaho, may ilang araw din siyang pahinga.

ABS-CBN ANTHONY TABERNA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with