Chiz at Heart naglaglagan
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

Pag-amin ni Heart Evangelista, mas seloso ngayon ang kanyang mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

“Seloso siya, as he got older, I don’t know. . .” natatawang sey ni Heart sa kanyang Instagram live session recently.

“Ang hindi ko ma-gets, bakit siya nagseselos, eh dapat nga magpakita muna siya ng sweetness bago siya magselos. Kasi irritating na pag selos na,” dagdag pa niya.

Sumagot naman si Gov. Chiz na nasa likod niya, “saan ako nagseselos?”

Nagbigay ng insidente si Heart kung saan ay nakita raw ng asawa ang video niya na nagsasayaw. Tinanong daw siya nito kung sino ang katabi niya at sinabi naman niya kung sino.

Sinita raw siya ng mister kung bakit siya nagsasayaw ng ganu’n.

Singit naman ni Chiz, “Darling, ‘eme (kiyeme) lang ‘yun.” Natawa na lang si Heart.

Pero hindi naman daw super seloso si Chiz dahil understanding naman daw ito sa trabaho niya’t pinapayagan siyang makipag-kissing scene.

Pero pinakagusto naman daw niya sa mister ay mabuting tao raw talaga ito.

“He really is a good person. I mean, he’s not sweet to me, I mean like, really sweet, ‘yung parang romance-type or teenage dream, ‘emeng ganyan. But like I know that he would save my life, I know that he will take care of me and he’s a good Dad to his kids. He’s such a good person, in fairness to the guy,” ani Heart.

Singit ni Gov. Chiz, “and a loyal husband” and um-agree si Heart.

“And a loyal husband, Hindi siya sakit sa ulo. And for me, kahit anon’g ganda ng babae but if your husband is cheating on you, my God, forget it.

“So, ‘yun. The peace of mind na binibigay niya sa akin.”

May nagtanong namang netizen kung ano ang ayaw ni Gov. Chiz kay Heart at sagot ng pulitiko, “pag sumobra na sa lima ang pets mo.”

Esplika naman ni Heart, “I’m fostering. You wanna argue about this on live? I can prove my point.”

Tumawa na lang si Gov.

In fairness, naaliw kami sa laglagan ng mag-asawa and sa video ay kitang-kita kung gaano talaga kaganda ang relasyon nila as a couple, na komportable silang nagbibiruan pero makikita mo pa rin ang respeto nila sa isa’t isa.

Mikael at Megan nag-practice maging parents

Nasubukan ang parenting skills ng celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young sa kanilang recent YouTube vlog kung saan bumisita ang nakababatang kapatid ni Mikael na si Alvaro sa kanilang bahay.

January this year ay ginulat ng dalawa ang netizens nang ibahagi nila ang kanilang intimate wedding ceremony sa Subic.

Excited naman ang kanilang followers na makita ang future baby nina Megan at Mikael at kung paano ang dalawa bilang magulang.

Sa latest vlog ni Mikael, naatasan ito ng mommy niya na pansamantalang bantayan nila ni Megan ang kapatid. Game na game naman na tinuruan ng dalawa si Alvaro ng ilang Tagalog words habang nagme-merienda at pati na rin ang tamang paghuhugas ng pinggan.

Si Alvaro ang pinakabata sa walong magkakapatid at kahit malayo ang agwat ng edad mula sa kanyang big brother na si Mikael, kapansin-pansin pa rin ang closeness ng dalawa.

CHIZ ESCUDERO HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with