Eat Bulaga bumabaha ang commercial
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

Umaapaw ang load ng TV commercials sa kada episode ng Eat Bulaga. Napagod na kami sa kabibilang sa tuwing nanonood kami araw-araw lalo na sa segment na Bawal Judgmental.

Nagbabawi rin kasi ang Bulaga nang matigil ito sa ere dahil sa pandemya. Naapektuhan din ang income nito kaya pinaiiral din nila ang skeletal force sa staff pati na sa Dabarkads.

Eh nu’ng selebrasyon ng 41st year sa TV ng noontime show nitong nakaraang mga araw, simpleng celebration lamang ang nangyari.

Hindi lang sa Bulaga nakapila ang TV commercials dahil maging ang GMA Network ay siksik din ang commercials.

Kahit na nga reruns ang series na pinalalabas, may commercial loads pa rin, huh!

Unti-unti nang nagbabalikan ang mga show ng network. ‘Yung daily series na lang ang waiting magbalik sa taping gaya ng Magpakailanman, Bubble Gang at Dear Uge.

May pahaging na si Paul Salas na magre-resume na ng taping ang kinabibilangan niyang series na Descendants of the Sun.

It may take time bago mag-full blast ang tapings ng ilan pang Kapuso series at matutuwa siyempre ang mga advertiser dahil lalakas na rin ang benta ng produkto nila!

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with