Marian at Dingdong nakagawa ng sariling TVC sa bahay
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

Blessed talaga ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kahit work from home, nakagawa sila ng isang TV Commercial (TVC). Yes, isang TVC ni Marian ng bago niyang endorsement at si Dingdong ang nagdirek. Maganda ang concept na FriDate na kinunan ni Dingdong ang kabuuan sa kanilang bahay, at siyempre, kahit siya ang director, kasama rin siya sa TVC.

Based sa video which Dingdong and Marian shared sa kani-kanilang Instagram wall, nagsimula ito sa magkatulong na pagliligpit ni Marian ng ilang toys na pinaglaruan ng bunsong si Ziggy at books na pinag-aralan ng panganay nilang si Zia. Tumulong naman si Dingdong sa pagluluto ng inihandang food ni Marian at nang kumain sila, kasama nito ang ini-endorse na UFC catsup ni Marian.

Makikita ang kulitan ng mag-asawa habang kumakain sila. 

Caption ni Dingdong, “kahit gaano ka-busy, kailangang may sneaky-sneaky, para lalong happy.”

Caption naman ni Marian, “Jose at Maria, basta kasama na kita, wala na kong ibang ending na hahanapin pa. Naks!”

Umani ng libu-libong views and likes ang videos. Maraming pumuri sa mag-asawa, na sa kabila raw ng maraming taon na silang magkasama, kinikilig pa rin sila sa beautiful couple, ang husay ng DongYan, bilang artista at director.

Bago namin malimutan, Happy Birthday to the Kapuso Primetime King Dingdong today, August 2. 

Ise-celebrate niya ito, kasama ang wifey niyang si Marian at top stars ng GMA Network sa All-Out Sundays sa pagbibigay nila ng saya sa mga manonood sa pagpasok ng August na mapapanood sa GMA-7 at live din online sa social media ng network

Sharon mabilis ang reaction sa fake account

“Who are you?” ang tanong ni Megastar Sharon Cuneta sa netizen na igi­nawa siya ng fake account sa Facebook page niya na pinangalanan nitong “really sharon cuneta.”

Kaya mabilis na itinama ito ni Sharon, “That is not my page and obviously not me. I just posted this there pero di ko alam kung mapapakita niya. Please do not follow that account.

“I’m sorry but this is The Real Sharon Cuneta. Everyone my real FB page is Sharon Cuneta Official. Please follow this page. My Instagram page is @reallysharoncuneta and my twitter account is @sharon_cuneta12. Thank you. Please delete this account so as not to confuse my followers. Thanks.”

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with