Kim
Kim, weird ang pakiramdam nang mag-mall
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - August 2, 2020 - 12:00am

Weird ang pakiramdam ni Kim Chiu matapos rumampa sa mall days ago.

‘Yun na rin daw ang pinakamabilis niyang pagbisita sa mall.

“Days ago went to the mall for the first time after months, and it was the fastest malling I’ve ever done less than 30mins. Things around us are never the same. It is weird. When will this nightmare be over?!!! Are things going to be the same when this pandemic is done?? When?.... How? So many questions in my mind and none of them have any answer.  #2020.”

Actually, iba talaga ang feeling pag nag-mall ka ngayon.

Nakaka-paranoid.

Samantalang before pandemic, pang-destress ng karamihan ang pamamasyal sa mall. Anyway, ingat tayong lahat.

Alden at Kathryn naka-isang taon na agad

Grabe naka-isang taon na pala ang pelikulang Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards and Kathryn Bernardo

Ganun lang kabilis ang araw.

Ang HLG ang officially highest-grossing Tagalog film of all time matapos itong kumita ng umano’y more than a billion.

And I doubt kung may makakaagaw agad sa success ng nasabing pelikula.

Well, hanggang ngayon, malabo pa ring magkapag-shoot ng bagong pelikula at kung paano ito ipalalabas.

Social distancing pa rin is the key para makaiwas sa coronavirus lalo na nga at kahapon ay 4,963 ang confirmed new cases kaya umabot na ang total number of cases to 98,232.

Ang Star Cinema ang producer ng HLG na ang chika ay nagbabalak namang mag-resume sa shooting ng mga naka-schedule nilang movie.

At ang uunahin daw nilang gawin, ang Darna, ng upcoming Kapamilya star na si Jane de Leon.

Indoor lang daw lahat ng mga eksena nito. Yan ay kung wala pang changes sa naunang plan ng Star Cinema, ang movie arm ng ABS-CBN, na ngayon nga ay hindi makapag-operate dahil sa kawalan ng franchise.

KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with