Joey hindi pa alam kung kailan mapapanood sa EB
Joey hindi pa alam kung kailan mapapanood sa EB
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - July 29, 2020 - 12:00am

Happy 41st anniversary to the daily longest-running noontime show na Eat Bulaga, tomorrow, July 30.  Isang painting ang gift ni Henyo Master Joey de Leon para sa EB with a caption, “Thank you Jesus for the Eat Bulaga Idea @eatbulaga1979.  This is my gift to Eat Bulaga on our 41st Birthday onThursday, July 30.  Nung natapos ko yung painting at saka ko lang napansin...TVJ nung 1979! Yung shape ng face si Vic! The balbas area reminds us of Tito! And the long wavy hair eh ako! Wow! Salamat sa inyong lahat mula sa Dabarkads!”

Maraming nag-comment sa IG post ni Joey at maraming nag-wish ng more years of Eat Bulaga at may nagsabing see you on your 50th anniversary!

Maraming naghihintay kung muling mapapanood ang bumubuo ng Eat Bulaga at nag-e-expect ang viewers nila here and abroad kung may magandang celebration ang show ngayong nasa ika-41st year na nila sa ere. 

Sa ngayon kasi ang nagho-host lamang sa show ay sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at sina Alden Richards at Maine Mendoza, naka-live online naman sa bahay niya si Bossing Vic Sotto with Pauleen Luna.  Kapag may absent sa limang hosts, pinapalitan sila either nina Allan K, Ryan Agoncillo at Pia Guanio.

Ken umaming nagkagusto kay Rita

Maraming kinilig na fans ng RitKen nina Rita Daniela at Ken Chan nang mapanood nila ang bagong vlog sa YouTube ni Rita na sinagot ni Ken ang tanong niya na minsan ba ay na-fall din sa kanya si Ken? 

Nag-alangan noong una sa pagsagot si Ken pero umamin din siya na nagkaroon siya ng feelings kay Rita, “simula noong My Special Tatay tayo.”

Kapansin-pansin nga noon ang closeness nina Rita at Ken, pero tuwing may press visit sa kanila sa set ng top-rating afternoon prime drama, nagdi-deny sila na may relasyon sila. 

Nasundan pa iyon ng isa pang romantic-comedy series, ang One of the Baes, nag-record sila ng song at tanggap na tanggap sila ng fans kahit saan sila magkasama.

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with