EB hosts bawal ang show sa TV5
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - July 29, 2020 - 12:00am

Tiyak na ang pagkakaroon ng shows at game shows ng Eat Bulaga mainstays na sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros at Wally Bayola sa TV5.

Mismong ang Eat Bulaga producer na si Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment ang magpo-produce.

Iyon nga lang, hindi sila magkakasama sa same timeslot, which is at 7 p.m., at hati-hati rin sila sa araw.

Star si Jose, since his game show as host will air Monday, Wednesday and Friday at solo host siya.

Magkasama naman sina Paolo at Wally every Tuesday, Thursday and Saturday.

Now guess, Salve A., kung ano ang title ng show, Bawal Na Game Show.

Gary V., umaming hindi totoong healthy

Despite na nakikita nating on his toes lagi si Gary Valenciano at alive na alive when he performs, hindi raw actually niya masasabing healthy siya.

Matatandaang Gary had to stay in the hospital for a while, dahil nagkaroon siya ng sakit na hindi na natin babanggitin, basta may kinalaman sa diabetes.

A very prayerful person, Gary V. said, God must have a reason for ­keeping his health the way it is.

Kilalang singer walang itinira sa dating hitsura

Ang laki nang ipinagbago ng ngayo’y lalong kilalang singer na ito lalo na where her looks are concerned.

Para bang wala siyang itinira sa dati niyang looks, kaya ewan kung pati sarili niya ay nakikilala pa niya tuwing tinitingnan niya ang sarili sa salamin.

Ang advantage niya lang, likas siyang mabait kaya wala na lang say ang mga nakakapuna sa kanyang ‘pagbabago.’

Wala siyang karelasyon, although na-link siya dati sa isang handsome at may pinag-aralang aktor na contract talent din ng network na kinabibilangan niya.

Melissa Mendez balik-showbiz na

Back before the movie cameras si Melissa Mendez na matagal ding naging inactive sa showbiz. She is in the cast of Mga Kaibigan ni Mama Susan.

Now 56 years old, she and sister, Glenda Garcia, were both well loved in their time.

Bukod kasi sa pag-aartista, Melissa turned out to be a good writer, too, at naging producer din siya.

In Mga Kaibigan ni Mama Susan, she plays being auntie ni Joshua Garcia, who is assigned the lead role.

 A horror film, it is directed by ace director Chito Roño and produced by Regal Entertainment.

Ang veteran actress na si Angie Ferro ang gumaganap na Mama Susan.

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with