^

Pang Movies

Bong, walang mapagsumbungan

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Mahirap daw palang mawalan ng ama, sumbong ni Sen. Bong Revilla.

Feeling niya palaging may kulang. Nakasana­yan na kasi ni Bong na kausap palagi ang namayapang amang si Mang Ramon. Ito ang kanyang pinagkukuwentuhan at pinagsusumbungan kapag may problema siya.

Ibang klaseng anak si Bong, mahal na mahal niya si Mang Ramon.

Pahayag nga niya, hindi pa raw siya nakaka-move on sa pagpanaw ng ama.

Hindi pa niya alam, kung tawagin ay laglag-luksa sa Cavite, ay makaka-move on na siya. Sa ika-5 ng Agosto ang babang-luksa ng Pamilya Revilla.

ABS-CBN, pilit tinatapakan

Masama ang loob ng fans ng ABS-CBN dahil sa pagtutol ng 70 kongresista na bigyan pa ito ng prangkisa.

Malungkot sila dahil ang tanging kaligayahang makapanood ng libreng show ng mga artista sa telebisyon ay dinurog pa ng mga ito sa Kongreso.

Pahayag ng ibang fans na nakausap ko, parang gigil na gigil daw ang mga ito sa ABS-CBN, at nasasaktan daw sila dahil nakadapa na ang ABS-CBN, pero tila tinatapakan pa. Ayaw daw ni Lord ng ganyang ugali.

Hindi na nga kumikibo ang pinatay na giant network, kung anu-ano pang perwisyo ang ibig nilang gawin dito, pati raw cable ng ABS-CBN ay gustong kitilin para huwag nang mapanooran pa. Wow, lupit naman.

MMFF movies malabong magkaroon ng box-office HIT

Matutuloy pala ang Metro Manila Film Festival ngayong December.

Naku teka, paanong mangyayari na kapag nag-showing na sila, paano mapa-practice ng mga manonood ang social distancing? At naka-face mask ang lahat, paano maririnig ang tawa ng mga mano­nood gayung may takip ang bibig?

Hindi kaya magmukhang pulos holdaper ang mga manonood sa MMFF movies?

Naku huwag naman po sana.

Saka paanong magba-box office kung bilang lang ang manonood?

Perwisyo talaga ang sumpang COVID galing China.

Happy Birthday…

Birthday greetings sa  July-born celebs, Tetchie Agbayani, Hanna Villame, Paco Arespacochaga, Eric John Salut, Melissa Mendez , Howie Severino, Vicky Morales, Direk Romy Suzara, Diether Ocampo, and Alessandra de Rossi.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with