Angel bumanat uli, nagpaliwanag sa parinig
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - July 24, 2020 - 12:00am

Ayaw paawat ni Angel Locsin ha.

Kahapon ay niresbakan niya ang mga kumontra sa kanyang sentimyento na walang ginagawa ang ibang mga artista kundi pagpapa-cute sa social media.

Sumagot siya at sinabing hindi naman literal na sumama sila sa rally ang ibig niyang sabihin para makatulong sa pag-iingay ng network na nawalan ng franchise at mahigit dalawang buwan nang hindi nakakapag-operate. “Uulitin ko, pag hinihikayat magsalita, hindi ibig sasabihin nun mag-rally na sa kalsada.

“There are many ways to show support. Iba ‘yung takot sa COVID, iba ‘yung ayaw lang talaga.

“Kung may-na-offend, I apologize dahil nasaktan ko kayo. Pero hindi dahil sa sinabi kong magsalita kayo. Dahil kailangan talaga nating magsalita ngayon.

“Uulitin ko, magkaiba po ang magsalita sa lumabas.  Magkaisa tayo at ‘wag magpagamit,” sabi ng aktres na parang hindi naman apektado sa mga pambabatikos na naging OA na siya sa pagtatanggol sa ABS-CBN samantalang galing naman talaga siyang GMA 7.

Tumalab naman actually ang naunang parinig ni Angel sa mga nanahimik.

Nagsalita si Sarah Geronimo at ang hindi pa nakakalipad na gaganap na Darna na si Jane de Leon, although may nag-chikang ang Darna movie ang pina-planong i-resume ang shooting, na sumagot kay Angel ng “Our health and that of our loved ones are at stake. As the covid infection rate in our country continues to rise, hospitals and facilities are nearing, if not reached, full capacity. Let’s not forget that our frontliners continue to face life and death situation as they are being challenged in saving more lives. Dadagdag pa ba tayo sa lumolobong bilang at patuloy na pagtaas ng covid cases sa ating bansa?”

Well, wait natin kung kung sino ang mapapaaray sa mga latest na dialogue ni Angel.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with