Empoy ginaya sina Pokwang at Richard, Jose at Paolo mala-bawal judgmental ang show sa TV5
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - July 18, 2020 - 12:00am

Ang Kapamilya comedian na si Empoy Marquez ang sumalang sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga kahapon.

Contract star man ng ABS-CBN si Empoy, wala namang isyu ang pag-guest sa noontime show dahil blocktimer naman ang noontime show kahit sa GMA ito napapanood.

Hindi rin porke napanood na siya sa EB ay lilipat na siya sa Kapuso network, huh!

Sinundan ng komedyante ang kapwa Kapamilya artists na sina Pokwang at Richard Yap na unang napanood sa segment ng EB.

At least, nakakatulong ang EB sa Kapamilya stars sa pagkawala ng franchise ng ABS-CBN, huh!

Sa totoo lang, kung inaabangan kung ano ang mga rebelasyon ng mga guest sa Bawal Judgmental, abangers din ang manonood kung sinong celebrity mula sa Kapamilya channel ang mambubulalaga sa segment ng Eat Bulaga, huh!

Kahit na nga hitik na hitik ang commercial loads ng programa, titiisin mo na lang dahil informative na ang segment ay nakaaaliw pa!

Teka totoo ba ang reports na magkakaroon ng show sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros sa TV 5 na spin-off ng segment ng noontime show?

EAT BULAGA EMPOY MARQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with