^

Pang Movies

Julia panalangin din ang alay

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Isa na namang dagok para sa mga Kapamilya stars ang announcement ng pagbabawas ng empleyado ng ABS-CBN. Needless to say, ito ay bunga pa rin ng pagkaka-deny ng prangkisa ng network.

The moment na i-announce ng network ang malungkot na balita, Kapamilya stars took to social media para ipahayag ang kanilang lungkot at frustration na nararamdaman para sa libo-libong empleyado na matatanggal sa trabaho.

Ayon sa post ni Sharon Cuneta, napakasakit daw ng nangyaring ito sa mga empleyado na ang karamihan sa kanila ay inilaan na halos ang buong buhay sa kanilang trabaho.

“Losing one’s job, for whatever reason, is a very painful experience. When it happens because of unjust persecution, and in this case directly inflicted by your own government and its elected officials because of selfish or political reasons, ang sakit sakit.

“There hasn’t been a day that I haven’t cried since the cruel decision of Congress. I cry in grief, anger, and frustration,” bahagi ng post ni Sharon sa Instagram.

Nag-alay naman ng panalangin si Julia Montes para sa mga Kapamilya at aniya, hindi na biro ang ginagawa sa kanilang tahanan. “Lord tulungan nyo po kame ... hindi na biro ang ginagawa sa aming mahal na tahanan... paano po ang mga anak n’yo na umaasa sa Kumpanya. Kami po ay lumalapit na gabayan n’yo po kame sa laban na ito ... Imulat ang lahat sa TAMA at TOTOO,” pahayag ni Julia sa kanyang IG account.

Dasal din ang ipinost ni Ogie Alcasid para sa fellow Kapamilyas na mawawalan ng trabaho.

“Nasaan ang konsensya?! Napakaraming Pilipino ang walang wala at mas lalong mawawalan pa. Paano mo maipagmamalaki ang ganitong bagay?” pahayag naman ni Carlo Aquino sa IG.

Dasal din ang hiling ni Lea Salonga sa napakalaking pagsubok na ito sa buhay ng mga taga-ABS-CBN.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with