^

Pang Movies

Lea nanghihingi ng dasal

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Lea nanghihingi ng dasal
Lea

Pinost ni Lea Salonga ang statement ng ABS-CBN patungkol sa pagli-lay off ng workers ng network na kung saan nakasaad na dahil sa hindi pagkaka-renew ng franchise ng network, effective August 31, ipapatupad na ang retrenchment program ng workers ng istasyon at ang subsidiaries.

May parte ng statement na nagsasabing, “As much as it hurts to implement the retrenchment program, this is the only way to ensure the continued employment of the rest of our Kapamilya. For those who are affected, we pray for you and your families, that you have the strength  and guidance to deal with the challenges ahead that you have done for ABS-CBN. Maraming, maraming salamat po.”

Sabi ni Lea, “Please say a prayer for the many men and women of ABS-CBN as well as their families, that they weather what might possibly be the biggest challenge of their lives. Mahigpit na yakap, mga Kapamilya. Whether you were in favor of the shutdown or not is immaterial. Pray for them anyway. To be suddenly out of job is not something to wish upon another human being, especially in the middle of this seemingly never-ending pandemic.”

Migo naka-lockdown pa rin sa HK kasama ang GF

Napanood namin ang interview ni Migo Adecer sa 24 Oras kung saan, nabanggit nitong sa Hong Kong siya inabutan ng lockdown. Pero, malapit na siyang bumalik ng Pilipinas dahil malapit na silang mag-resume ng taping ng primetime series ng GMA-7 na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Nakuwento ni Migo na habang nasa Hong Kong siya, nakakapag-ikot siya at in-enjoy ang lockdown at nakapag-beach pa nga. Ang hindi natanong kay Migo ay kung may kasama siya sa Hong Kong at kung sino?

Nag-tsek kami at nalamang kasama ni Migo na na-lockdown sa Hong Kong ang GF niya na si Katrina Mercado.

Wala nga lang makikitang photos nilang dalawa sa Instagram ni Migo, sa socmed account ng GF niya kami nakakita ng mga litrato nila.

Janno, tinawag na plastic at tanga

Nilinaw ni Janno Gibbs ang iniisyu sa kanya ng Kapamilya fans na plastic siya dahil ni-like ang post ni Regine Velasquez na #proudKapamilya, pero may ni-like rin siyang post na in favor sa shutdown ng ABS.

Ang sagot ni Janno, “Like means i read it. TANGA” at sa nangantyaw na “huli” siya, ang sagot ni Janno, “funny” ang netizen. Sa tumawag naman sa kanyang “plastic” siya, ang balik ni Janno sa netizen ay “Tanga.”

vuukle comment

ABS-CBN

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with