^

Pang Movies

ABS-CBN nakikipag-negotiate sa IBC 13?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang mas lalo pang gumugulo ang mga issue. Lumalabas ngayon na noon pa palang nakaraang taon ay nag-divest na si Gabby Lopez ng kanyang shares sa Lopez Holdings na siyang may control sa ABS-CBN. Nito lamang daw nakaraang Marso, ipinagbili na rin niya sa ibang investors ang natitira pa niyang shares. Kung totoo iyan, ano nga ba’t ang tagal-tagal pang pinagtalunan kung siya nga ba ay Pinoy o kano, iyon naman pala wala na siyang sosyo sa ABS-CBN?

Kung totoo rin naman iyan, bakit kinikilala pa siya at tinatawag na “chairman emeritus” ng ABS-CBN. Bakit hindi na lang din isinagot ng mga kinatawan ng ABS-CBN na wala na siyang sosyo sa network? Baka naiba pa ang desisyon ng Kongreso kung lumabas iyan agad.

Samantala sa pulong daw na ginawa ng management ng ABS-CBN sa kanilang mga empleyado ay inamin nilang magtatanggalan na nga kasabay sa inilabas nilang pahayag tungkol dito, pero hindi pa raw sinabi kung sino matatanggal. Diumano, makakatanggap daw sila ng e-mail mula sa kanilang HR Department kung tanggal na sila, kasama ang kuwenta ng matatanggap nilang separation pay.

Ang pangako naman daw ng management ay makakatanggap sila ng kalahating buwang suweldo sa bawat taon ng kanilang serbisyo sa network.

May inside story rin na may nagsisimula na raw ng negosasyon para bumili sila ng oras, o mag-blocktime sa IBC 13, isang korporasyon na sequestered din ng gobyerno para sila makapag-broadcast sa free TV.

Aminado na silang hindi magbabalik ang kanilang sponsors kung sila ay mapapanood sa cable at sa internet lamang. Hindi pa rin naman kasi ganoon kalawak ang gamit ng internet sa Pilipinas, bukod nga sa napakasama ng ating internet connection, bukod nga sa mahal pa.

Sunshine dedma pa sa sorry ng mga nambastos 

Dahil nagkabukuhan na nga at na-identify kung sino ang mga nambastos kina Sunshine Cruz at sa kanyang tatlong anak, kumilos din naman pati ang eskuwelahan ng mga nambastos sa kanila, at sinabing labag iyon sa policy ng eskuwelahan nila. Ang masama, may isa pang member ng kanilang student government.

Iyong isa ay nag-post pa sa social media ng kanyang paghingi ng paumanhin at sinabing iyong sa kanya naman daw ay “pagbibiro lang,” at hindi rin niya akalain na masama pala ang kalalabasan. Wala namang reaksiyon si Sunshine sa paghingi niya ng paumanhin.

Maaari pa ring magsampa ng kasong legal ang aktres sa mga nambastos sa kanya at mga anak.

Aktor at kumpareng kongresista, walang pakialamanan

May mga nagtatanong, bakit daw kaya hindi nakumbinsi ng isang actor ang kanyang kumpareng congressman na bumoto pabor sa kanilang network? Noon, inaamin ng kumpare kung papaano siyang tumulong sa kampanya at maging sa mga proyektong kanyang ginagawa para sa kanyang distrito. Kaya ngayon ay nagtataka sila kung bakit hindi niya nakumbinsi iyon.

Hindi rin natin alam, baka naman hindi niya kinumbinsi ang kumpare niya dahil iba naman ang trabaho noon at iba ang paninindigan sa issue.

Minsan naman kasi kahit na anong sabihin ninyong pagkakadikit ninyo bilang magkaibigan, may mga desisyong hindi mo maaaring pakialaman.

Mas magkakasundo talaga kayo kung walang pakialamanan.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with