^

Pang Movies

Kakambal ni Jinkee, may lockdown baby

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kakambal ni Jinkee, may lockdown baby
Jinkee at Janet

Although noong February 2016 lamang ikinasal ang twin sister ni Jinkee Jamora-Pacquiao na si Janet Jamora-Jumalon sa ex-PBB housemate na si Steven Jumalon, magta-tatlo na ang kanilang magiging supling dahil almost 13 weeks pregnant ngayon si Janet sa kanilang pangatlong baby.

Ang couple ay may dalawa nang anak, sina Raymond at Ria.

Masaya siyempre si Jinkee para sa kanyang kakambal at isa siya sa unang-una na nag-congratulate sa kanyang twin sister.

Kapag nagsi-celebrate si Jinkee ng kanyang kaarawan, hindi puwedeng hindi kasama ang kanyang kakambal na si Janet.

Forty-one na ngayon ang magkakambal turning 42 on January 12 next year.

Ibang tao masaya sa pagluluksa ng iba

Ang kinatatakutan ng libu-libong Kapamilya ay dumating na.

Matapos i-deny ng Kongreso ang bagong prangkisa ng ABS-CBN, hindi na mapipigilan ng kompanya  na magbawas o magtanggal ng kanilang mga empleyado.  At simula sa katapusan ng Agosto ay libu-libo sa kanilang mga kawani ang mahihiwalay na sa kompanyang kanilang pinaglingkuran sa mahabang panahon.

Mabigat man sa kalooban ng ABS-CBN management, wala na silang poder na isalba pa ang kanilang mga empleyado dahil sa pagpapasara ng radio and TV broadcast ng kompanya simula pa noong gabi ng May 5, 2020 na tinuldukan ng Kongreso noong nakaraang July 10, 2020.

Tatlong buwan ding kinupkop ng ABS-CBN ang kanilang mga empleyado sa pag-asang mare-renew ang kanilang prangkisa pero sila’y pinagkaitan ng 70 kongresista na siyang nag-deny ng franchise renewal ng major TV network.

Hindi lamang ang libu-libong mawawalan ng trabaho sa Kapamilya network ang direktang apektado kundi maging ang kanilang respective families na umaasa sa kanila. Paano sila makakahanap ng ibang trabaho sa gitna ng pandemya lalo na’t maraming kompaya at business establishments ang nagsasara o ‘di kaya nagtatanggalan ng kanilang mga empleyado? Ito ang sad reality.

Bakit masaya ang ibang tao at the misery ng kanilang mga kababayan na naghihirap at walang hanapbuhay? Nasaan ang kanilang mga puso?

Geoff at Maya, postponed ang kasal

Dapat sana’y sa taong ito magpapakasal ang engaged couple na sina Geoff Eigenmann at Maya Flores.  Pero dahil sa pandemya ay pansamantala nila itong isinantabi to be rescheduled to a later date.

Ang engaged couple ay naka-focus ngayon sa pagbubuntis ni Maya  sa kanilang ikatlong baby na nakatakdang isilang sometime in November this year.

Sina Geoff at Maya ay may dalawa nang anak, sina Arabella (turning 3 in September) at si Angus (1).

Si Geoff ay isa sa tatlong anak ng estranged couple na sina Michael de Mesa at actress-director na si Gina Alajar. Ang dalawa pa niyang mga kapatid ay sina Ryan at AJ Eigenmann.

Bago si Maya ay huling naging kasintahan ng actor ang Kapuso actress na si Carla Abellana. Na-link din siya noon sa singer-actress na si Nikki Gil na may asawa na ngayon.

vuukle comment

JINKEE JAMORA-PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with