^

Pang Movies

Raymond pinigil ang sariling hawakan ang anak ni Solenn

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Raymond pinigil ang sariling hawakan ang anak ni Solenn
Raymond at Solenn

Back to work na si Raymond Gutierrez noong Wenesday.

Nag-video shoot nga si Raymond kasama ang kaibigang si Solenn Heussaff, mister nito na si Nico Bolzico, at dalawa pang endorsers ng Philam Life na matagal na nilang ine-endorse.

Sa mismong bahay nina Solenn at Nico ginanap ang shoot para sa online endorsement nila. Kuwento ni Raymond, “It was very quick and safe!”

Marami nga raw protocols na sinunod para sa video shoot nila at kaunti lang daw sila. “Very few people lang,” sabi pa ng twin-brother ni Richard Gutierrez.

Hindi na masyadong sanay lumabas ng kanyang condominium si Raymond dahil nga sa COVID-19 pandemic, kaya sobra raw niyang na-miss ang mga kaibigan na kasama sa video shoot na ‘yon. Natuwa rin siya na finally ay nakita na niya si Baby Tili, ang anak nina Solenn at Nico. “My first time to meet Baby Tili. Kung sumama kaagad sa akin ang baby? I didn’t touch the Baby Tili to be safe. Only Solenn was carrying her,” sey ni Raymond.

Naku, Ateng Salve, ‘yun na talaga ang new normal ngayon, kahit cute na cute si Raymond kay Baby Tili, natural lang na no touch dapat.

Kahit naman sa magkakaibigan, kung noon ay beso-beso at may hug pa kapag nagkikita, ngayon ay bawal na talaga dahil nga sa virus, huh!

Winwyn mas mahusay daw kay Alma

In fairness, Ateng Salve, maganda ang feedback sa Beauty Queens, ang iWant app original series na naka-streaming na ang first three episodes noong Wednesday at ngayong araw na ito mag-stream ang last three episodes lalo na kay Gloria Diaz.

Ang galing-galing ng ating first Miss Universe (1969), huh!

Pero in fairness, magagaling din ang kanyang mga kasama lalo na si Lotlot de Leon na personal assistant (P.A.) ni Gloria ang role, pero tomboyita pala at karelas­yon nga ng veteran actress.

Bongga rin daw ang akting nina Winwyn Marquez at Maxine Medina, huh! Naaliw nga ako sa komento ng isang kaibigan ko. “Ang galing ni Winwyn. Mas magaling siya compared sa nanay (Alma Moreno) niya!” sey ng kaibigan kong nakapanood na ng Beauty Queens. Hehehe.

Dranreb Belleza lolo na

Speaking of Lotlot, ang isa sa na­ging ka-love team niya noong 80’s na si Dranreb Belleza ay nag-post noong isang araw sa social media at sinabing, “I am a proper Lolo now. My daughter gave birth today.” Anak ng veteran actress na si Divina Valencia si Dranreb.

vuukle comment

RAYMOND GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with