Alden inulan ng endorsements kasama ang bigating Kapamilya stars
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - July 16, 2020 - 12:00am

Pinost ng ama ni Alden Richards na si Richard Faulkerson sa IG Story ang print ad ng endorsements ni Alden kasama ang Kapamilya actresses. Si Sarah Geronimo ang kasama ni Alden na endorser ng Cebuana Lhuillier, si Kathryn Bernardo sa Magnolia Ice Cream, si Nadine Lustre ang kasama sa Century Tuna at si Bea Alonzo naman ang sa Head & Shoulders shampoo.

Walang caption ang post ni Daddy Bae at hindi na kailangan ng caption, pero ramdam ang pagiging proud sa accomplishments ni Alden na malalaking aktres sa ABS-CBN ang kasamang endorsers sa mga nabanggit na produkto.  

Malaking bagay din kay Alden na ang pinalitan niyang male endorser ng Head & Shoulders Shampoo ay ang favorite actor niyang si John Lloyd Cruz. Si Angel Locsin naman ang pinalitang female endorser ni Bea Alonzo.

Bukod sa shampoo, may isa pang bagong endorser si Alden for this year. Siya ang pumalit kay Gerald Anderson na endorser ng Cosmo Cee, kaya kahit walang teleserye, very visible pa rin siya.

May fans si Alden na nagtatanong kung kailan naman kaya magkakaroon ng endorsement si Alden na Kapuso actress naman ang kasama. Maganda raw sana kung Kapuso naman ang makakasama ni Alden na nagpu-promote ng produkto.

Angeline pinanindigan ang pagmumura

In fairness kay Angeline Quinto, naunang nag-sorry bago siya magmura at wala siyang binanggit na pangalan sa kanyang pagmumura. Tweet ni Angeline, “Hindi ako perpektong tao. Nasasaktan po ako. Hihingi na po ako ng tawad sa inyo. P**** INA! ginawa niyo sa aming lahat.”

Ang pagkaka-deny ng Kongreso na bigyan ng bagong renewal ang home network niyang ABS-CBN ang rason ng online na pagmumura ni Angeline na iba’t iba ang reaction ng mga nakabasa.

May nakisimpatiya sa kanya at naiintindihan kung bakit siya nagmura at kahit sila raw ay napamura rin nang i-announce ang resulta ng botohan. May humanga kay Angeline sa lakas ng loob niyang magmura, pero may nagpaalala rin na kung si President Rodrigo Duterte nga nagmumura, bakit ang Kapamilya stars na sobrang apektado sa nangyari ay bawal magmura.

May mga disappointed kay Angeline lalo’t idol nila ito at may nagpaalala na kumalma lang siya dahil may endorsements siya na baka mawala dahil sa pagmumura niya.

Ipinaalala naman ng isang netizen na hindi tama na nagmura si Angeline lalo na at deboto siya ng Black Nazarene.

Hindi dine-delete ni Angeline ang tweet niyang nagmura, kaya lalong bumilib sa kanya ang netizens.

Dimples super fan ng Emmy

Ang good news na ibinahagi ni Dimples Romana sa kanyang fans via Instagram at binanggit niyang dream come true ito para sa kanya.

“Today was a magical day. I was invited by the International Academy of Television Arts and Sciences to be a juror for the iEMMYs. The International Emmy Award is given to recognize the best television programs initially produced and aired outside the United States. And to be alongside these amazing industry partners is quite humbling. PILIPINAS and Kapamilya Represent @iemmys #iemmys a big THANK YOU shout out also to Sir Michael McKay, Nathaniel Brendel, Louisa Lim and ActiveTV Asia (Singapore).”

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with