Sharon umalma sa pagpapatalsik kay Sen. Kiko
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - July 16, 2020 - 12:00am

May reaksyon na agad si Sharon Cuneta sa movement against her husband called #OustKiko na nagsimula kahapon sa Twitter hanggang sa nag-trending na ito.

Ang naturang movement ay naglalayong patalsikin si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan bilang Chairman ng Senate Constitutional Amendments Committee na hinihinalang sinimulan ng mga pro-administration.

Reports had it na nagsimulang mag-trending ang #OustKiko matapos mag-tweet ang anak niyang si Frankie Pangilinan na humihingi ng tulong to spread the word dahil may ilang grupo umano na nagpaplano na patalsikin ang kanyang ama sa posisyon.

May mga hinalang lumulutang na nais patalsikin si Sen. Kiko bilang Chairman ng Senate Constitutional Amendments Committee para maamyendahan ng administrasyon ang konstitusyon at mapalitan ang form of government natin to Federa-lism.

Kahapon sa kanyang Instagram account ay inalmahan ni Sharon ang movement at aniya, ang asawa naman niya ang tinatarget ngayon.

“So now, my husband naman. I want to refrain from posting about politics na, but sorry po - I have to stand up for what is right - especially if it involves someone I love.

“Matagal ko na pinalampas ang mga pamimintas at masasakit na salita laban sa asawa ko, pero hindi na po kaya ng pamilya namin. Lalo na ng mga anak naming wala namang malay at ‘di hiniling na dito sa pamilya namin sila isilang. I wonder who’ll be next? Going too far. So sad.

“O, Pilipinas naming mahal...ano na ang ginagawa sa iyo...Dear God, You are alive, You see all, You know all. We trust only in YOU. Kalma lang. Nandyan ang Panginoon. At KAMI, NANANALIG SA KANIYA. Bilog ang mundo. At mapalad ang inaapi. God bless us all,” ang post ni Mega.

Sa kasalukuyan ay nagbigay na rin ng pahayag ang ilang senador tungkol dito saying na wala itong katotohanan. Maging si Sen. Tito Sotto ay nagsabing wala raw siyang naririnig na ganitong plano or move.

“Mabuti pa sila. Maraming alam. Better ask the mongerers,” Sen. Sotto was quoted to have been said.

Andre nagpaayuda ng sapatos

Sinorpresa ni Andre Paras ang kanyang fans and viewers ng kanyang online show nang kanyang i-announce na mamimigay siya ng sapatos sa tatlong lucky winners na kasing-sukat ng paa niya (size 14).

Pagkatapos kasing mapanood sa Facebook Live ng Descendants of the Sun ang sneaker-cleaning tutorial niya noong July 9 ay marami ang nag-request na ipa-give-away ang kanyang dalawang pares ng sapatos na ginamit niya para sa tutorial.

Kaso ay hindi pumayag si Andre dahil may sentimental value raw sa kanya ang mga naturang sapatos tulad ng kanyang Vans high-cut sneakers na sinulat pa ng kanyang kapatid na si Kobe Paras ng “stay wavy.”

Sa halip, ang ginawa ni Andre ay naghanap ng ibang pares ng sapatos na ipamimigay sa tatlong lucky fans.

“Everyone with big feet has to have their own pair of shoes. I know how hard it is to find shoes dito lalo na tayong malalaki ang paa. Size 14 and above, mahirap ‘yan. So if you need size 14 shoes, let me know. DM away and I’ll see what I can find,” ani Andre.

Bukod sa sapatos, namigay din ang aktor ng GMA Affordabox digital TV receiver, GMA Affordabox shirt, at basketball jersey na ginamit niya noong naglaro siya sa PBA-D League.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with