Iya may kaba pa rin sa panganganak
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - July 16, 2020 - 12:00am

Last Friday, July 10 ay nagpaalam na si Iya Villania, ang Chika Minute host ng 24 Oras. Nag-maternity leave na si Iya para sa nalalapit na pagsisilang niya ng baby number 3 nila ng asawang si Drew Arellano. Isang surprise video ang handog sa kanya ng kanyang 24 Oras family mula sa mga kasama niya sa trabaho, kaibigan at pamilya.

Message ni Drew at mga anak nilang sina Primo at Leon, “we just want to let you know that we love you so much and we can’t wait for the third baby.  We’re rooting for you and have a safe delivery,” sabi ni Drew.

Masayahin ang tingin natin kay Iya on TV, okay siya lagi, pero ngayon ay iba pala ang nararamdaman niya,  “I’m feeling it’s another boy.  May konting takot with the whole COVID thing that’s been happening.  I’m just praying for a safe delivery and a healthy baby and to recover right away para balik-trabako kaagad!”

Pero bago nag-leave, nakapag-taping pa si Iya ng masayang chikahan at kumustahan nila ng mga Kapuso moms na sina Camille Pratts at Solenn Heussaff sa bago at special episodes ng Mars Pa More para sa kanilang anniversary week simula sa July 27, 8:50 a.m. sa GMA Network.

Zoren nahirapang idirek ang pamilya

Kulitan at tawanan din ang nangyari sa taping ng morning talk-variety show na Sarap, ‘Di Ba? sa first fresh episode ng hosts na sina Carmina Villarroel at ang kambal nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy.

Sa bahay ng mga Legaspi ginawa ang taping at si Zoren nga ang nagdirek ng Bahay Edition ng show.  Pero na-challenge si Zoren sa pagdidirek sa asawa at mga anak.  Mas mahirap daw silang idirek dahil nga tatay siya ng mga ito kaya ang approach daw sa kanya ay parang kaibigan at hindi director.

Silang apat at mga kasama nila sa bahay ang nagtulung-tulong sa pagti-taping nila.  Bukod sa kanilang special guests, first time mapapanood ang Legaspi family na mag-TikTok nang magkakasama at first time ding mapapanood ng viewers ang kabuuan ng bahay nila na first time ginamit sa taping. 

Ngayong Saturday, July 18, mapapanood ang Sarap ‘Di Ba? Bahay Edition at 10:45 a.m. bago ang Eat… Bulaga.

IYA VILLANIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with