Jak
Jak gaganap na DJ Loonyo,sumabak sa taping ng new normal
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - July 16, 2020 - 12:00am

Si Jak Roberto ang napili upang gumanap sa kuwento ng buhay ng viral sensation dancer-choreographer na si DJ Loonyo.

Mapapanood ngayong Sabado sa Magpakailanman ang istorya ni DJ at ayon kay Jak sa Zoom interview sa kanya, humanga siya sa paninindigan ni DJ.

“Hindi ko man mapantayan ang galing niya sa pagsasayaw, bumawi naman ako sa drama! Ha! Ha! Ha!” saad ni Jak.

Naka-relate ang Kapuso actor sa damdamin ni DJ kapag bina-bash. Niratrat ng bashers si DJ nang magbigay siya ng opinyon tungkol sa mass testing.

Unang taping ni Jak ang Magpakailanman sa tinatawag na new normal. Naging maingat silang lahat at upang makaiwas sa virus, sa halip na sa tent tumambay eh nasa loob lang siya ng kotse.

Tutal naman, naka-track ang fone niya sa GF na si Barbie Forteza para wala ng tanungan kung saan ang location niya.

“Wala naman kasing dapat pagselosan! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Jak.

JAK ROBERTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with